WRITTEN BY: KATH_SHELIJAH
"Hihi ano ba, babe. Nakikiliti ako eh step et."
"Ano ba, babe. Alam ko namang gusto mo to eh."
"Hindi kaya. Hmp."
"Nanananching ka lang, babe eh."
"Hihi hmp sige na nga. Bili mo ko ng ice cream ah."Napairap ako sa kalandian ng dalawang mag-jowang to. May pa-baby baby pa, edi mag-diaper na rin kayo.
"Ang sarap talaga ng strawberry---"
"Hoy babaeng tsanak! Sino ka para landiin ang boyfriend ko?!"
Nagulat ako ng biglang may umeksenang babae sa harap ng mag-jowang to. Ang masama pa inginudngud ng babaeng to yung ice cream sa itsura ng babaeng malandi slash ehem malandi.
"Babe sino to?!" Palaban na sagot ng kasama ni boy.
"Ah eh s-si---"
"I'm her girlfriend, eh ikaw? Sino kang hampas-lupa ka?!" Pumapalakpak ang tenga ko sa naririnig at nakikita ko. Kala ko sa Wattpad lang to, nangyayari rin pala to sa reality.
"Ano ba, babe. Ipaglaban mo nga ako! Tsaka ano bang pinagsasabi ng babaeng to?" Napapahiyang bulyaw ng kasama ni boy.
Ngii, bat ba to pinag-aagawan? Itong jeje na to?!
"Honey, tell her about us. Tell her about our baby." Maluha-luhang sabi ng babaeng kadarating lang, yubg umeksena. Si boy naman tarantang-taranta hindi ata alam ang gagawin.
Maya-maya nagulat ako dahil sinugod ng babaeng kasama ni boy si ate gurl. Eh narinig ko pa lang buntis siya eh.
Luh ka.
Eepal na sana ako nang may humigit sakin patalikod sabay yakap sakin.
"Don't go, baby. Baka mapahamak ka lang. You know I can't live without your scent, your voice, your prescence and your love. Stay, baby. Please, I love you."
Napatingin ako sa kanya. Gosh he's so freaking handsome. He have this blue eyes that will truly drown you when you stare at it. And his eye brows. Gosh! My vision went down to his lips. His lips is perfect paired with a perfect jawline.
Wow how could someone be so perfect.
Kaka-Wattpad ko to eh. Imagination ang limit.
Starla, send jowa nga dyan.
YOU ARE READING
A Touch Of An Ink
Historia CortaA compilation of my one-shot stories. Feel free to read it :>