Last Chance

0 0 0
                                    

WRITTEN BY: KATH_SHELIJAH

I'm so glad you made time to see me
How's life tell me how's your family
I haven't seen them in a while

You've been good busier than ever
We small talk you work in the weather
Your guard is up and I know why

Because the last time you saw me
Still burned in tha back of your mind
You gave me roses---

I stop singing when I felt a string broke from my guitar. It seems like babalik na naman ako sa shop.

I sigh.

I stood up and fixed my guitar and put it back in it's case. I need to go to class. I looked at my wrist watch and found out I wss already late para sa next class. Masyado akong nawili sa pagigitara.

Another sigh.

Bumalik ako sa bench at nag-aral na lang ng notes. Mamaya na ako babalik sa shop. Nang biglang humangin ng malakas. Napapikit ako at pagmulat ko tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaking hindi ko kilala. May suot na asul na damit at puting pang-ibaba. Nakangiti siya at para bang inoobserbahan niya ang mukha ko.

"Sino ka?" I asked him. Umatras ako ng kunti dahil kakaiba yung pakiramdam ko sa kanya.

"I'm Lucas. You're Erine, right?" He asked so I nodded my head to answer his question. "Halika tuturuan kitang magitara."

I don't know why but sobrang gaan ng feeling ko sa kanya. Kaya without any hesitation I gave him my guitar nang maalala kong sira nga pala ito.

"Wait, sira pala to. Pupunta lang ako sa shop." I said and hurriedly fixed my things. When he suddenly hold my hand.

"Hey, calm down. Sasamahan kita."

Sumang-ayon na lamang ako sa kanya at sabay kaming pumunta sa shop. Habang papunta dun, nalaman kong madaldal pala siya. Eh kasi dinaldal niya ako ng dinaldal. Pero tuwing tinatanong ko siya kung saan siya galing, sasagutin niya lang ako ng 'basta' tapos tatawa siya. Pansin ko nga pinagtitinginan na kami dahil sa kanya.

Pagdating sa shop, agad kong pinaayos at binili yung string na kailangan ko. Tapos nung babayaran na namin, sabi niya siya na daw magbabayad pero wala naman pala siyang pera. Natawa tuloy ako sa kanya. Pagtingin ko kay Kuya Luiz na may ari ng shop na 'to, kunot na kunot yung noo niya, takang taka.

After I paid, we went back to the park and tinuruan niya na akong magitara. Ang galing niya pala, alam na alam niya yung mga chords ng Back to December ni Taylor Swift. Favorite niya daw kasi to.

After hours of teaching me, napansin kong hindi na ako nakapasok sa ibang subject at pwede pa akong pumasok sa last period ko.

That's why I thanked him for teaching me and bid goodbye to him. Pero nung paalis na ako, he grabbed my wrist and pulled me into his arms. Now he is hugging me, I can feel him caressing my hair. I felt his lips kissed my forehead.

"I love you, Erine. I hope we can stay like this forever, but I know that will never happen. Now that I cannot be with you anymore."

Pinakawalan niya ako sa bisig niya at hindi ko namalayang may tumulo na luha sa mata ko. I saw him walking away from me, I wanted to chase him but my feet was rooted to the ground.

Tumalikod na lamang ako at naglakad palayo. Not minding the questions in my mind. Pagdating sa room, umub-ob lang ako since wala pa naman ang Prof namin. And also I'm confident that my teacher won't see me sleeping because I'm in the back.

I felt someone poking my right cheek. I slowly open my eyes and found out it was my bestfriend, Chanelle.

"Bes, are you okay? Tinulugan mo lang sila Prof eh, buti nga hindi ka napansin." Chanelle told me and I can tell that she's worried. But wait...

"Sila Prof? Eh hindi nga ako pumasok sa ibang subject natin eh."

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Mula first period tulog na tulog ka kaya. Nag-aalala na nga ako sayo eh." She told me. So ano yung kanina, panaginip lang yun? Kailangan kong makita si Lucas.

"Ah ganun ba? Sige bes ah, kailangan ko nang umalis. Tawagan na lang kita mamaya." I told her as I fix my things. "Bes asan na yung gitara ko?"

"Ha? Wala kang dalang gitara, Bes. Ano bang nangyayari sayo?" She was looking at me as if I was taking drugs. Pero wala akong dalang gitara? Eh ano yung ginawa namin ni Lucas sa park?

"Ay Bes oo nga pala. May balita---" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang sumingit yung isang kaklase namin galing sa labas. Medyo shock yung itsura.

"Guys, guys may namatay na lalake dun sa may park. Hindi pa alam kung ano yung sanhi ng ikinamatay."

'Tara tignan natin.'
'Hala sino kaya yun?'
'Kawawa naman'
'Bilisan mo mag-ayos, tignan natin dali!'
Rinig kong bulungan ng kaklase ko habang nag-uunahang lumabas.

"Bes, yun rin yung sasabihin ko sayo. Yung sinasabi kong stalker mo---" hindi niya na naman natapos ang sasabihin niya dahil agad ko na siyang hinila papuntang park, kung saan pinagkakaguluhan ang isang bangkay. May mga teacher na rin tsaka pulis na nakapalibot dito.

"Siya yung namatay." Sambit ng bestfriend ko.

"Ha?"

"Yung sinasabi kong stalker mo na palagi kang sinusudan. Siya yung namatay." Sabi niya habang dahan dahan kaming lumapit sa bangkay.

"Anong pangalan niya?"

Nang makita ko yung mukha niya, agad na nanlambot yung dalawang tuhod ko. Siya. . . siya pala yun, yung kasama ko kanina. Nakita ko pang bitbit niya yung gitara ko. Asul na damit at puting pang-ibaba na may bahid nang dugo.

Ramdam ko yung pagkawasak ng puso ko.

"Ah siya si Lucas, Lucas Dela Fuente."

A Touch Of An InkWhere stories live. Discover now