WRITTEN BY: KATH_SHELIJAH
I have this girl-friend. Her name is Shel and she is the sweetest bestfriend I had. We were very close to each other to the point that a day won't pass without us, talking to each other, even in school.
But isang araw, nagulat ako nung hindi siya sumabay sakin papuntang school. Sabi ng mama niya maaga raw siyang pumasok, nagmamadali. I don't know what's going on. She was acting very weird that day.
And nalaman ko na lang na nililigawan pala siya ng crush ko na si Owen. Owen has been my crush since forever and now malalaman ko na lang na nililigawan niya na pala bestfriend ko.
That hurts, you know?
Nung araw na yun hindi kami nag-usap ni ha ni ho wala o kahit text man lang. Ewan ko ba nagtatampo ako sa kanya imbes kasi na sabihin niya sakin ang totoo tinago at nagsinungaling pa siya sakin.
Kinabukasan, hindi rin kami nag-usap hanggang sa yung araw na yun naging linggo at nalaman ko na lang na sinagot niya na si Owen. Ang sakit lang kasi nawalan na ako ng crush nawalan din ako ng best buddy.
Bat ang malas ko? Wala naman ako balat sa pwet ah.
Sumikat ang relasyon nilang dalawa. Syempre sikat si Owem eh sikat bilang babaero at team captain ng basketball. Marami ngang nagsasabi na pinaglalaruan din ni Owen si Shel. Pero nanatiling matatag ang relasyon nila.
Tumagal rin sila ng apat na buwan. Apat na buwan lang ng malaman namin na niloloko lang pala ni Owen si Shel, nakita ni Shel si Owen na may kahalikan sa janitor's room na isang cheerleader.
Nakita kong umiiyak siyang umuwi ng araw na yun. Alam ko dahil sinundan ko siya. Kahit kasi iwan niya ako bilang beatfriend nandun pa rin yung concern ko sa kanya.
Nung gabing yun, kumatok sa bahay namin si Shel umiiyak. Niyakap niya ako at humingi ng tawad dahil sa pagta-traydor niya sa akin at pang-iiwan. Agad na lumambot ang puso ko kay Shel, pinatawad ko siya at sinabing magsimula muli kaming dalawa at wala nang sekretohan ang makakabuwag samin.
Dahil dito nalaman ko na kahit umalis man o iwan tayo ng mga taong malalapit sa ating puso kapag bumalik sila mapapatawad mo pa sila ng buong-buo walang halong kasamaan. At kahit na umalis ang mga taong yun, ang mga totoong kaibigan natin ay marunong pa rin makisalamuha sa mga taong una nilang naging kaibigan.
YOU ARE READING
A Touch Of An Ink
KurzgeschichtenA compilation of my one-shot stories. Feel free to read it :>