Live Video
✒: Caylie Lumiere"Hey wassup aking mga viewers! Andito ako ngayon sa bahay ng girlfriend ko because today is our First Anniversary as a couple. Yieee plakpakan naman kayo dyan HAHAHA. So right now I'm gonna surprise her in her house, so let's go in."
Masaya kong sabi sa harap ng camera kong bitbit. Well, obviously andito ako sa harap ng bahay ni Keila, girlfriend ko. Sa sobrang tuwa kong umabot kami ng isang taon ay naisipan kong isama siya sa vlog ko.
Pumasok na ako sa bahay niya ng tahimik. Surprise nga eh. Pagpasok ko agad akong tumungo sa kwarto niya dahil alam kong natutulog na naman yun o kaya nagmo-movie marathon ng mga K-dramas.
Papalapit na ako sa kwarto niya ng makarinig ako ng hindi magandang tunog. Parang may kumakalabog at umuungol.
Lumapit ako sa pinto ng kwarto ng girlfriend ko kahit kinakabahan ako. Aware pa rin naman ako na naka-live yung video ko.
Nang nasa harapan na ako dahan-dahan kong binuksan yung pinto ng walang ingay. Agad na nanlaki ang mata ko at nawasak ang puso ko sa natuklasan ko.
Nakikipagtalik ang girlfriend ko kay Shawn, na matalik kong kaibigan. Agad kong nilihis yung kamera ko palayo sa view ng ginagawa nilang dalawa para respeto na rin sa kanila.
"G-guys mukhang hindi maganda yung timing ng pagpunta ko haha." Nakangiti kong sabi sa kamera kahit walang tigil na tumutulo yung mga luha ko.
Yung girlfriend ko. . .
Narinig kong napasinghap silang dalawa at napatigil sa kanilang ginagawa.
"M-mark?"
"B-bro i-it's not what you think---"
Rinig kong sabay nilang sabi. Hindi ko na pinatapos magsalita si Shawn dahil lumabas na ako ng kwarto niya, palabas ng bahay ni Keila.
"S-so ayun guys, nakita niyo kung pano ako masaktan HAHAHAHA ayos lang ako. S-sige guys sa s-susunod ulit. . ."
YOU ARE READING
A Touch Of An Ink
Short StoryA compilation of my one-shot stories. Feel free to read it :>