WRITTEN BY: KATH_SHELIJAH
"Mira Shai Gonzales, hindi ka pa ba babangon?! Male-late ka na oh!" Napamulat ang mga mata ko sa sigaw ni mama. Ayan na naman po siya. Introducing my daily alarm clock, my mother.
"Opo ma, ayan na po." Sagot ko at bumangon para maligo. Mamaya pa ako kakain. Inuuna ko yung pagligo eh.
Mabilisan lang akong naligo, as in mabilisan lang talaga. Pagkatapos agad akong nag-ayos ng sarili. Syempre makikita ko na naman si crush eh. His name is Vaughn Dale Montello.
Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako at pumunta sa kusina. Sakto namang katatapos lang ni mama magluto. "Oh kumain ka muna."
"Opo ma." Sagot ko at kumuha na ng plato para kumain. Nagtimpla rin pala ako ng gatas.
"Nga pala 'nak, may Japanese flag pala sa kama mo ha?" Pag-start ni mama ng topic kaso hindi ko na masyadong narinig kasi nagmamadali na ako't male-late na ako.
"Ma punta na akong school ha? Ba-bye. Mwah." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
•••
Nandito na ako sa gate at kita kong kanina pa akong pinagtitinginan ng mga tao kahit kanina sa jeep. First time lang ata makakita ng maganda, de joke.Nagmadali na akong pumunta sa classroom dahil alam kong ilang minuto na akong late. Pagdating sa harap ng pinto, huminga muna ako ng malalim bago pumasok.
"Good morning Ma'am, sorry I'm late." Inunahan ko na si Ma'am kasi ang haba na naman ng sasabihin niyan. Para siyang masayahing armalite hehe.
"Okay, Miss Gonzales take your seat."
Hanggang sa pag-upo ko ang dami pa ring nakatitig sakin. Like whuutt! Nakakairita na ha!
Hindi ko na lamang sila pinansin at nakinig na lang kay Ma'am. Hays sana matapos na tong boring na klaseng to. Nagugutom na naman ako eh.
•••
Hay buti naman tapos na yung klase at break na rin. Kanina pa ako nagugutom eh. At kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito. Ano bang problema ng mga to sakin. Hays naba-bad mood ako dahil hindi ko pa nakikita si Baby Vaughn ko.As if on cue, bigla kong nakita si Vaughn palabas sa room nila kaya mabilis pa sa kidlat ang kamay kong nag-ayos ng sarili. Lumapit ako sa kanya.
"Hi Vaughn!" Pa-cute kong sabi. Syempre dalagang filipina.
Kunot-noo niya lang akong tiningnan na para bang hindi niya ako kilala. Ouch ha.
"Vaughn, kapag lumingon ka akin ka!" Sigaw ko ng tumalikod siya sakin at mgasimulang maglakad palayo. Sa kasamaang palad hindi siya lumingon. Kaya pinagtitinginan na naman ako. Taena.
"Ano bang problema niyo ha? Umalis nga kayo! Chupi chupi! Shoo shoo!" Pangtataboy ko dun sa mga chismosang nakikiusyoso sa amin. Kala mo maganda mukha namang palaka. Jusko nakaka-high blood.
•••
Uwian na ngayon pero hanggang ngayon bad trip pa rin ako. Syempre ini-snob ako ni crush tapos napahiya pa ako sa harap ng mga tao. Tae talaga oh.Habang papunta sa gate para umuwi nakita ko si Vaughn na nakasandal sa motor niya. Hmp may hinihintay siguro to. Ma-snob nga rin.
"Hey Shai!" Tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso ko lang siyang linagpasan. Hmp bahala siya dyan.
"Shai ano ba! Pansinin mo nga ako." Hinawakan niya ako sa kanang braso ko at hinila paharap sa kanya. "May tagos ka. Ano ba nakakahiya ka."
Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya ba ako pinagtitinginan mula kaninang umaga? Namumula akong tumingin sa kanya sa kahihiyan.
OMYGHAD. Nakakahiya huhu.
Pinahiram niya sa akin yung dala niyang jacket. Hindi na ako nagreklamo pa dahil kailangan ko rin naman.
"Sakay na." Sabi niya sa akin nang maisuot niya sakin yung isang helmet niya.
"Ha?" Lutang kong sagot or tanong ata. Eh kasi naman po yung crush ko pinapasakay ako sa motor niya. Dream come true mga besh.
"Hakdog, de joke. Sabi ko sumakay ka na ihahatid na kita sa inyo. Kasi mula ngayon akin ka na, sayo na ako. Tayo na, clear?"
YOU ARE READING
A Touch Of An Ink
Короткий рассказA compilation of my one-shot stories. Feel free to read it :>