Unknown Mistake

0 0 0
                                    

WRITTEN BY: KATH_SHELIJAH

"Kath, gusto kita matagal na." Pag-amin ko sa taong nasa harapan ko ngayon. Si Kath, ang pinakamamahal kong babae mula noon nung bata pa kami.

"Sorry Joseph, kami na ni Andrie. Hindi niya ba sinabi sayo?" Sagot ni Kath sakin na siyang nagpatigil ng mundo ko.

Si Andrie? Si Andrie na matalik kong kaibigan?

"K-kath hindi naman kita minamadali eh. Wag ka namang magsinungaling sakin oh."

"Hindi ako nagsisinungaling, Joseph. Kami na ni Andie last week pa. Sorry."

Hinawakan ko ang braso niya ng mariin at tinitigan siya sa mata. "Kung hindi kita makukuha then walng makakakuha sayo mula sakin."

NAAlimpungatan ako ng makarinig ako ng ingay sa labas ng apartment ko. Ingay na parang nagkakagulo. Ilang buwan na rin magmula ang aksidenteng yun.

Bumangon ako at pumunta sa harap ng pinto upang buksan nang may kumatok doon. Ngunit hindi ko alam na yun pala ang magwawasak sa akin.

"Mister Joseph Salcedo Rodriguez, ikaw ay aming kakasuhan sa salang pagpatay kina Miss Kathryn Mischika Garcia at Mister Andrie Terron Sarmiento."

A Touch Of An InkWhere stories live. Discover now