Misinterpreted

0 0 0
                                    

WRITTEN BY: KATH_SHELIJAH
Mis-interpreted
✒: Caylie Lumiere

"Huy Dan, bukas ha? Wag mong kakalimutan." Muling pagpapaalala saking ng kaibigan kong si Hara.

Birthday niya kasi bukas and alam niya na di na naman ako papayagan nila mama.

"Oo na, paulit-ulit ka. Pupunta ako." Sagot ko bago nagsimulang maglakad pauwi ng bahay.

Lagpas na curfew kong 6 pm dahil pasado alas syiete na at alam kong late na ako kaya bakit pa ako magmamadali?

Alam ko namang pagdating sa bahay magsisimula na naman yung hirap hindi saya.

"SAAN KA NA NAMANG GALING BATA KA HA?! WALA KA NA NGANG NAITUTULONG DITO SA BAHAY PURO KA PA GALA!" Pambungad na bati sakin ni mama, kay gandang bati talaga.

Napayuko lang ako upang pigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Araw-araw naman ganito eh, ano pa ba bago? Yung walang sampal?

"OO NGA DAN! SAN KA NA NAMAN GALING? ALAM MO NAMANG ANG DAMING GAWAIN DITO SA BAHAY EH!" Dagdag pa ni papa.

Tinignan ko yung nakakatanda kong kapatid. Nakangisi ito sakin at nakakibut-balikat. Yung ngising parang nagtagumpay, siya naman kasi yung laging nagtatagumpay eh. Lahat-lahat.

"Ano wala kang maisagot?! Andun ka na naman kasi sa mga barkada mo! Diba sinabi ko na sayong huwag ka nang sumama sa mga yun?! Inutil ka talaga bobo pa!" Muling sigaw sakin ni mama. Magsasalita pa sana siya ng inunahan ko na siya.

Tama na kasi, masyado nang masakit.

"Bakit ma, tuwing nandito naman ako sa bahay kasama kayo, ramdam ko namang ayaw niyo sakin eh, para akong basura na kulang na lang ay iluwa niyo palabas. Tapos kahit naman ipakita ko sa inyo lahat ng mga achievements ko si ate pa rin ang mas magaling diba? Kasi kahit kaunting pagkakamali ko, ako na agad yung bobo, yung walang kwenta, yung tanga, pero pag si ate kayo pa yung magso-sorry sa kanya." Sagot ko habang yung mga luha ko walang tigil na umaagos sa mga mata ko.

"Bakit ma, ano nga lang ba ako sa inyo isang laruan na walang pakiramdam? Ma, masyado nang masakit. Bawat araw iniisip ko kung kailan kaya to matatapos, sana paggising ko isang araw wala na ang sakit. Sana hindi mo na lang ako pinanganak."

Pagpapatuloy ko bago muling lumabas ng bahay at hindi na bumalik. Kasi alam kong kahit ilang beses akong magpaliwanag, kung walang makikinig wala ring silbi.

Kasi kahit anong sabihin ko, kahit anong gawin ko ako pa rin ang mali sa mga mata nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Touch Of An InkWhere stories live. Discover now