Callen's Point Of View
Nagising ako ng may naramdaman na parang may kumakagat sa akin.
Bumangon ako para malaman kung ano yon at nakita ang napakaraming langaw sa paa ko.
"Kadiri naman" Sabi ko at tinapik tapik ito.
Nang matangal ay may nakita naman akong uod na gumagalaw sa kumot ni Kaia. Agad akong napatalon kaya aksidente kong nadaganan si Reina at Tanya.
"Paanong nakapasok y-yan"
"Ano ba yan.." Mahinang daing ni Tanya na naistorbo ko sa pagtulog.
"Look! Kadiri girls" Sabi ko at tinuro ang uod na gumagapang."Ang dugyot talaga ni Clio" dagdag ko pa.
Tuluyan ko na ngang nagising si Tanya at Reina. Gaya ng reaction ko ay napangiwi rin sila. Lumingon ako kay Reina at mukhang gulat na gulat ang itsura niya.
"AHHH!!!!" Malakas na sigaw niya na sapat na para sirain ang tenga ko.
"Uod lang yan" sabi ko.
"Look" what?
"Tu----KAIAAA" Agad akong napatalon ng kama ng makita ang pulang likido na nakabalot kay Kaia. Anong prank na naman ba 'to? At nageffort pa siya maglagay ng catsup.
"Girls, ano bang nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Colton na halatang bagong gising din.
"Kaia! Shit " Napamura si Clio ng makita si Kaia. Tuluyan na ngang natangal ang kumot na bumabalot kay Kaia. At nakita ang nakatarak na kutsilyo sa tiyan niya. Gumagalaw galaw rin ang mga insekto na nakabalot sa kanya.
Agad na akong napaiyak ng magproseso sa utak ko ang nangyayari ngayon.
"Girls don't pull a prank like this" Sabi ni Jaylo
"W-we're not j-joking Jaylo!" Sabi ni Reina na umiiyak na rin.
"Girls please umayos kayo. Mukhang realistic" Natatawa naman na sabi ni Seige.
"Look Seige. Hindi nga kami nagbibiro" Pero sana nagbibiro na lang kami.
" I n-need to call a police or a-ambulance" Sabi ni Tanya at akmang kukunin ang phone niya.
" No! don't! paano pag tayo ang pinagbintangan?" Sabi ni Clio
"What the hell Clio! then defend yourself" Sabi ni Tanya.
"I-it's n-not that.... easy" nauutal na protesta ni Clio.
"I need to call an ambulance." Sabi naman ni Tanya na pilit inaagaw ang cellphone niya."We need to save K-kaia" maluha-luhang sabi niya
"You don't need Tanya. wala na siyang pulso" Sabi ni Jaylo na may dugo na rin ang kamay.
"What the hell Jaylo! Bakit mo siya hinawakan yung fingerprint mo!" Naiinis na sabi ni Tanya. Nang makuha ang cellphone ay agad siyang nagtype.
"I said we're not gonna call someone!" Maotoridad na sabi ni Clio at agad kinuha ang cellphone ni Tanya.
"Give it back to me Clio!" Sabi ni Tanya at inabot ang cellphone niya. pero agad itong binato ni Clio kay Kaia kaya wala ng nagawa si Tanya para abutin ito.
"Shit Clio, You just hit Kaia and throw my phone!" Sabi ni Tanya na hindi mo na rin mabasa ang expression.
"Sorry. I'll pay for that" Sagot ni Clio