APRIL 11 2020: please re-read the story if you're a long time reader.
Clio's Point Of View
"Natanong mo ba kung sino yung killer?"
"Narinig mo ba yung boses?"
"Anong sabi ni Callen?"
"Tangina. Pwede bang manahimik muna kayo" Sigaw ko kanina pa sila hindi tumitigil na tanungin ako. Hindi ba nila maintindihan na nasasaktan ako sa nangyari sa girlfriend ko. Kay Callen.
"Wag muna natin tanungin si Clio, let him rest for a while " Sabi ni Fawn at tumabi sa akin.
Kahapon lang ay inilibing na si Callen.
Ang buong pamilya niya ay nagluluksa at gulat na gulat sa nangyari sa unica-ija nila. Hindi rin sila makapaniwala na namatay pa ito sa mismong bahay nila.
Lumabas sa operasyon ng mga pulis na murder ang nangyari at pinagmukhang suicide lamang ito.
Mas lalong nadagdagan ang takot ng bawat isa sa amin. Nabawasan na naman kami at patuloy na mababawasan...
"Ako dapat yung nasa hukay.. ako dapat" Naiiyak kong sambit habang nilalaklak ang beer ko.
"Don't blame yourself Clio" Sabi ni Tanya at tumabi na rin sa akin
"Hindi niyo ako maiintindihan" Napasabunot na lang ako sa sarili ko
"Ako... ako dapat ang n-nandoon... dapat....niligtas ko siya dapat humingi na agad ako ng tulong"
"Shhhhh" pagpapatahan din ni Fawn sa akin.
"Paubos na tayo ng paubos kaya dapat malaman na natin kung sino ang may pakana ng lahat ng 'to" Si Reo.
"Reo's right.. I think i think.. kailangan na natin makipagtulungan sa authority"
"I agree with Tanya" Pagsang-ayon ni Ylona.
"Ngayon pa talaga Tanya? ngayon pa na madami nang nababawas sa atin" Sabi ni Fawn at napatayo na din
"At kailan ba dapat Fawn! Kung kailan ubos na tayo?" Naiinis na sagot ni Tanya.
"Tanya! Fawn! Stop" Biglang pumagitna si Jaylo. Siguradong magkakaroon na naman tensyon ang dalawa kung mas tumagal pa ang usapin nila.
"Tanya, Fawn is right huli na ang lahat hindi tayo pwede magsumbong sa otoridad!" Kitang-kita sa mukha ni Tanya ang gulat ng pagtaasan siya ng boses ni Jaylo. Hindi rin siya makapaniwala na hindi siya kinampihan ni Jaylo.
Maya-maya ay ilang katok ang narinig namin sa pintuan ng condo ko. Bago buksan iyon ni Reo ay may kinuha siyang baril sa jacket niya.
Pagkabukas ay nakita namin si Colton at nagmamadali siyang lumapit sa akin.
Ylona's Point Of View
Nang buksan ni Reo ang pinto ay agad nagmamadaling lumapit si Colton kay Clio at binigyan ito ng malakas na suntok.
Nakasuot pa rin ng damit pangpreso si Colton matapos nitong magpakulong ng kusa. Sigurado akong tumakas ito.
Agad na pumagitna si Jaylo at Reo nang nagsimulang magsuntukan ang dalawa.
"Hayop ka! Mamatay tao kang hayop ka!" Sigaw ni Colton na hindi pa din tumitigil sa pagwawala.
"Tangina! nagpapatawa kaba Colton! nakakatawa kung ganon Alam mong lahat tayong nandito ay mamatay tao" Tumatawa pang sabi ni Clio na tila'y nang-aasar pa.