↻ Chapter 7

12 2 3
                                    

Colton's Point of View

Flashback

"Pre ano 'to?" Tanong ko kay Seige matapos mapulot ang bagay na nalaglag niya.

"Wala yan pre. akin na." Sabi niya at mabilis na inagaw ang maliit na bote.

"Sus wala daw. Mansanilya ba yan pahingi ako. Najejebs ako. " Sabi ko at akmang kukunin na ito pero muli niyang nilayo.

"Hindi ito mansanilya." Sabi niya at binulsa na.

"Ano nga yan?" Muling tanong ko

"Wala nga."

"Ang damot." Bulong ko

"Mahal!" Napalingon ako ng marinig ang pamilyar na boses ng girlfriend ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" Nagtatakang tanong ko ng makita si Payne.

"Hahaha dinadalaw ka. Tsaka 11th monthsarry na natin" Halatang nag-aalangan na sabi niya.

"Ganon ba? Happy Monthsarry" Bati ko at hinalikan siya sa noo.

"Nakalimutan mo?"

"Hindi ah" Pagtanggi ko

"Nakalimutan mo eh" Muli niyang sabi

"Hindi nga!" Tinitigan ko siya ng masama.

"Hi payne."

"Hello seige."

"Di na ako magtatagal ha. Una na ako baka masira ko pa date niyo" Paalam ni Seige.

"Saan ka?" Tanong ko bago siya umalis

"miss mo agad pre" pang-aasar niya.

"Ano ako bakla."

"Hahaha" sabi niya at tinapik ang balikat ko.

@Teatime

Nang makarating ay agad na humanap si Payne ng mauupuan.

Nakita ko rin Seige na pumasok sa loob ng Production Area. Sus dito rin pala ang punta niya.

"Ano gusto mo mahal?" Tanong ko kay Payne.

"Hmmm Salted Caramel with creamcheese and extra pearl"

"Sige ako na oorder." Sabi ko.

"Sige mahal." Sabi niya at nagcellphone na ulit.

"Yow Alex." Bati ko sa cashier na si Alex.

Crime BuddiesWhere stories live. Discover now