↻ Chapter 12

5 2 3
                                    

                Ylona's Point Of View

"Ylona! bago ka daw umuwi dumaan ka daw muna kay Ms Hillary." Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Tinapos ko na ang ginagawa ko para makauwi agad nang matapos ay lumabas na ako para makapunta kay Ms Hillary.

"Ylona!" Lumingon ako at nakita ang tumawag sa akin. Si Jaylo pala.

Ngumiti ako ng makita siya. Ano kayang kailangan niya?

Sa totoo lang namiss ko din siya. Nakikita ko kasi sa kanya si Zjan kaya hindi ko napigilan ang sarili kong magkagusto sa kanya kahit alam kong may sila ni Tanya pero kung tatanungin ay mas pipiliin ko pa din si Zjan.

"Jaylo!"

"Saan ka?" Tanong niya.

"Kay Ms. Hillary, bakit?" Tanong ko.

"Wala naman, samahan na kita"

Pinanliitan ko ng mata si Jaylo. Anong meron? Parang kailan lang ay iniiwasan niya ako ngayon ay gusto niya akong samahan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Anong bakit?" Natatawa niyang tanong.

"Wala wala" Sagot ko.

Nang makadaan kay Ms.Hillary ay nagyaya si Jaylo na pumunta sa cafe kaya agad naman din akong sumama.

"Anong order mo?" Tanong ko. Sanay na kasi akong ilibre si Jaylo lalo na't hindi naman siya ganon kayaman.

"Ahh ako na Ylona"

"Sige, ito yung bay---" Aabot ko na sana ang pera ko pero agad niyang nilayo ang ito.

"Libre ko na"

"Ano?"

"Libre ko na, Anong gusto mo?"

"Strawberry coffee"

Anong meron? May trabaho na ba si Jaylo at nililibre niya ako ngayon kung ganon good for him.

Ilang minuto lang ay bumalik na din si Jaylo. Nilapag niya sa harap ko ang strawberry coffee na agad ko ding ininom.

"Himala! At nanlibre ka niyaya mo pa ako magdate."

"Hahaha anong date?"

"Sus kunyari---"

Biglang sumakit ang ulo ko para bang tinutusok tusok ang utak ko.

Napahawak ako sa lamesa dahil naramdaman kong nahihilo na ako at babagsak.

Napalingon ako kay Jaylo at nakita kong ngumiti siya sa akin.

Ilang sandali ay nawalan na ako ng malay.

              Tanya's Point Of View

"Mag-ingat ka" Bilin ni Indi sa akin at humiwalay na sa yakap."Ayaw mo ba talaga sumabay?"

"Hindi na Indi hihintayin ko na lang yung driver ko" Sabi ko.

"Sige sige!" Kumaway na ako kay Indi pagkaalis niya.

Ngayon lang ulit kami lumabas dalawa matapos ang mga nangyari. Sobrang hirap sa akin na unti-unti kaming nababawasan pero wala naman akong magagawa swerte na nga lang ako at buhay pa.

Bukod pa doon ay dumagdag sa problema ko si Jaylo. Ilang araw niya na akong hindi kinakausap akala ko okay na kami. Akala ko mababalik na namin ang dating meron kami pero lahat pala ng iyon ay akala lang.

Crime BuddiesWhere stories live. Discover now