↻ Chapter 9

19 2 9
                                    

            Callen's Point Of View

Matapos umuwi galing sa condo ni Clio ay agad na akong dumiretso sa kwarto para maligo.

Nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa mga nalaman. Napaluhod na lang ako sa mga naiisip.

Tama ba ang ginawa ko? Tama lang naman siguro. Afterall we did the same thing. We killed someone.

Naramdaman ko na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Kaya dali-dali kong kinuha ang bathrobe ko kahit may sabon pa ang katawan.

Mabuti nang maingat ako. Tama si Reo kahit nasaan kami susundan pa rin kami ng kamatayan.

Dahan-dahan akong lumabas ng banyo at nakitang may tao sa walk-in closet ko. Agad kong kinuha ang baril na nakatago sa likod ng frame at hinawakan ito ng mahigpit.

Habang palapit ako ng palapit. Mas nanginginig ang buong katawan ko.

"Sus maryosep" Nagulat ako ng makitang si Mama Sai pala ito ang personal maid ko.

"Mama Sai naman, Tinakot mo ako nilabas ko pa tuloy 'tong baril ko" Sabi ko at binato na lamang ang baril sa kama.

"Susko kang bata ka. Ilalagay ko lang sana 'tong mga bago mong laba na damit di ko alam na dumating kana pala." Sabi ni Mama Sai.

"Sige Mama Sai. Liligo na ako" Paalam ko kaya umalis na rin siya.

Matapos maligo ay nagdecide ako na mag-open ng Feed at nakita ang mga messages ng mga kaibigan ko.

                        "DOZEN"

Tanya: naawa na ako sa family ni rei. hinahanap pa din nila si rei hanggang ngayon. ganon din si code.

Jaylo: Kamusta si code?

Tanya: hindi na pumapasok.

Fawn: sayang. code is a hot guy. sayang ang life.

Tanya: we shouldn't talk like dat!!

Fawn: Duh. it's true naman. Code is a hot guy *kiss emoji*

Tanya: What should we do guys. how can we help rei's family without getting caught??

Reo: that's impossible

Clio: wag na natin sila tulungan. ignore them but show some sympathy.

Ylona: yeah, ryt.

Tanya: im still guilty.

Ylona: come on baby girl. we already hid 2 dead bodies!!

Jaylo: remove asap.

         Ylona remove a message

Clio: stay safe everyone. remember about the pact.
Clio: if you feel something weird or someones following you. message us asap. we need to be extra safe

Jaylo: If you like to. you can bring some weapons especially girls

Reo: we can't afford to lose another life again. stay safe.
Reo: and to the killer. do your best. anytime we can capture you.

these guys are so funny. can't afford to lose someone? bitch what.

Pero pumayag na magtago ng bangkay. as if naman wala silang pinag-sususpetyahan sa grupo.

Crime BuddiesWhere stories live. Discover now