Colton's Point of View
Maingay ang paligid kung nasaan ako. Naglalaban ang iba't ibang kulay ng liwanag na nangagaling sa Disco Ball ng bar na ito.
Kailangan kong ilugmok ang sarili ko sa alak para makalimutan ang nangyari kahapon lamang.
May ginawa na naman akong kasalanan, Nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa mundo.Hindi ako ang pumatay kay Kaia pero parang kabilang na din ako lalo na't hindi namin ipinaalam sa otoridad ang nangyari sa kanya.
"Hello" Napalingon ako sa nagsalita at isang babae ang nakita ko, Halata sa postura niyang inaakit niya ako.
"Ano?" Tanong ko.
"Oh kalma mukhang badtrip ka
"Hindi ba obvious, kaya pwedeng umalis kana" Naiinis na sagot ko.
"Ang taray mo naman. What's bothering you? pwede mo ako sabihan" Malambing na sabi niya at hinimas ang likuran ko.
"You know what's bothering me. yun yung nandito ka kaya pwede ba umalis kana!" Sigaw ko sa kanya at marahas na inalis ang kamay niya.
"Oh kumalma ka kulang ka lang siguro sa---" Akmang hahalikan niya na sana ako pero tinulak ko siya.
"Pwede bang umalis ka na sa harap ko!" Sigaw ko.
Napayuko na lang ulit ako dahil sa inis pero sa pangalawang pagkakataon ay may tumapik na naman sa akin.
Nang lingunin ko ito ay nagulat ako ng makita siya.
"Babe anong nangyari?"
"Babe.... Babe! I miss you" Tanging nasabi ko.
"Wag mo ako lokohin Colton!" Malakas na sigaw niya na halos masira ang tenga ko sa tili na iyon.
"Babe.." Sabi ko at agad siyang niyakap ng mahigpit.
"I love you din babe hahaha" Napabitaw ako ng makilala ang boses na yun.
"Putek ka talaga Seige" Sabi ko at mahinang sinapak siya.
Nakita ko na naman siya...
"Babe ka pa diyan! lasing ka na naman" Sabi niya pa.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Session tayo mamaya." Bulong niya.
"Ayaw ko muna." Pagtanggi ko pero agad niyang hinawakan ang mga balikat ko.
"Ikaw ba talaga yan Colton?" Natatawang sabi niya.
"Nakokonsensya ako sa mga nangyayari" Sabi ko.
Matagal siyang tumitig sakin "Gago di ako yung pumatay." dugtong ko pa.
"Akala ko ikaw na"
"Di ko kaya gawin kay Kaia yon." dugtong ko pa at umiwas ng tingin.
"Pre." hinawakan niya ang balikat ko "para nga makalimutan mo yan, session na tayo mamaya" Muling pagkumbinsi niya.
Napaisip ako "Sige, Punta ako"
Reo's Point Of View
Kasalukuyan kong inaayos ang collections ko ng photo albums. Pinupunasan ko ang iba dahil naalikabukan na.
Matagal tagal na rin ng buksan ko ang mga ito.