Tanya's Point Of View
Hindi ko alam kung paano ako nakaabot sa sitwasyong 'to. Alam kong mali ang ginagawa namin ni Kaia pero hindi ko kayang iwan siya hindi ko rin kayang ilaglag siya hindi ko din kayang makitang patay na sila.
Flashback
"Tanya, My princess what's bothering you?" Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ngayon.
Hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyari kanina. kung paano namin ilibing si Kaia kung paano naging complicated ang sitwasyon.
"Wala po dad, hang-over lang" Sagot ko
"Anak huwag ka nang magsinungaling samin hindi ka ganyan pag may hang-over. May iba sa mata mo alam ko yun" Sabi naman ni Mom.
"Wala po talaga"
"You know what kung may problema ka. you can always tell us kung ayaw mo hindi kita pipilitin pero anak kung ano man yan tandaan mo ang mahalaga ay lagi kang nasa tama na dapat alam mo iyong ginagawa mo" Sabi ni Mom.
Tama! Tama kailangan kong bigyan ng hustisya si Kaia. Kailangan niya magkaroon ng hustisya.
"Mom! Dad! I have to go" Tumayo ako sa lamesa at hinalikan sila.
"Anak saan ka pupun---" Sinarado ko na ang pinto at agad sumakay sa kotse ko.
Kailangan kong tulungan si Kaia.
Nang makarating sa likod ng condo unit ni Clio ay agad kong pinuntahan ang lupa kung saan nilibing si Kaia.
"She needs a proper grave"
Kinuha ko ang pala at sinikap hukayin ito. Kung minamalas nga naman ay umulan pa pero swerte rin dahil mas lumambot ang lupa mas madaling hukayin.
Nakita ko na ang kamay ni Kaia kaya agad ko siyang hinila doon.
"Yuck" sigaw ko nang makita ang madaming uod sa katawan niya. Hinubad ko ang jacket ko at ginamit iyon pangpunas kay Kaia.
"Di ako makapaniwalang hahawak ako ng patay" bulong ko sa sarili.
Mas lalong lumakas ang ulan. maya-maya ay napansin kong gumalaw ang dibdib ni Kaia para bang humihinga ito.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Baka multuhin niya ako.
Unti-unting dumilat ang mata niya. Ngumanga din siya na parang sinasalo lahat ng tubig ulan.
"Buhay ka nga!" Siguradong matutuwa ang iba pag nalaman nilang buhay si Kaia. Wala kaming poproblemahin.
"T-tanya.."
"Kaia! Kaia! Ako nga 'to" Naiiyak na niyakap ko si Kaia. "Buhay ka"
"Tanya.. tulungan mo ako"
"Shhh nandito na ako Kaia dadalhin kita sa hospital." Sagot ko
"Pagbabayarin ko sila." Sabi ni Kaia kitang kita sa mga mata niya ang inis.