Jaylo's Point Of ViewKasalukuyan akong nakatambay ngayon sa bahay. Bukas pa ang pasok namin kaya ngayon eh tambay-tambay na muna.
Kailangan ko rin magpahinga matapos ang mga nangyari. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ang nangyayari. Sino ang may gawa?
Napatingin ako sa litrato naming magkakaibigan. Naalala ko pa ito yung unang travel namin bilang magkakaibigan. Nakakamiss.
Napatingin ako sa magka-akbay na si Reina at Kaia. "Sorry Kaia Sorry Reina" Sorry dahil ngayon ay di namin kayo kayang bigyan ng hustisya. Sorry kung naging duwag kami.
*Doorbell rings*
Binuksan ko ang pinto ng bahay ko. to find out kung sino ang dumating. Nang buksan ito ay nakita ko si Ylona.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko.
"I'm here to bring you some snacks." Sabi niya at tinaas ang paperbags.
"I'm okay Ylona. I still have stocks----"
Bigla naman siyang pumasok kaya wala na akong nagawa "Don't lie Jaylo, Alam kong natanggal ka na naman sa trabaho mo."
Tama si Ylona. Natangal na naman ako sa isang supermarket na pinagtatrabahuhan ko. Mag-isa na lang ako sa buhay. Wala na si Papa ganon din si Mama wala din naman akong mga kapatid na siyang makakasama ko sa buhay.
"Jaylo. Hindi ko kayang nakikitang nahihirapan ka." Sa isang iglap ay hawak na ni Ylona ang mga mukha ko. "So let me take care of you"
Inalis ko ang sarili ko sa kanya. Si Ylona alam kong matagal na siyang may gusto sakin at inamin niya lang yun nang maghiwalay kami ni Tanya.
Ylona is pretty halos magkalevel na sila ni Tanya, parehas maganda,mayaman,sexy pero ibang-iba ang ugali ni Ylona kay Tanya.
"Oops sorry" Sabi niya na para bang nahihiya sa ginawa "Tara na dito Jaylo, Kumain na tayo" Sabi niya at binuksan ang mga pagkain na binili niya.
Umupo na ako at nagsimula na din kumain.
"Jaylo sabi ko na kasi sa'yo tanggapin mo na ang trabahong inaalok ko." Para saan pa kung tatanggapin ko ito kung araw araw niya din akong kukulitin.
"Hindi na, ayos lang." Sagot ko kaya kumain na lang din kami ulit.
"Jaylo. Sa tingin mo sino ang may gawa non kila Reina?" Biglang tanong ni Ylona habang binubuksan ang binili niyang juice.
Actually wala talaga akong naiisip kung sino.
"Wala naman mahirap manisi." i answered.
"Ahhh. No offense ha pero i think it's Tanya" Napatingin ako kay Ylona. Ayan na naman siya.
"Why Tanya?" Walang gana kong tanong. Heto na naman at makikinig na naman ako sa mga walang kwentang opinion ni Ylona.
"Kasi diba nakapatay na siya dati. Hindi malabong magawa niya ulit yun." Sabi niya naman.
Natahimik ako sa sinabing iyon ni Ylona. Napatingin ako sa kanya.
"Paano pag hindi diba? Malay mo't nagbabait-baitan lang yan si Tanya." Dagdag niya pa na para bang kinukumbinsi akong maniwala "Sabagay di mo naman maiisip yan lalo na't mahal mo si Tanya" Sabi niya and she smiled bitterly.