Fawn's Point Of View"Ba't nagpatawag may namatay na naman ba?" Bungad ko pa pagkapasok sa condo ni Clio. Hindi na namin pwedeng puntahan ang HQ lalo na't sinunog ito matapos patayin si Seige.
Sa tingin ko okay na rin na nasunog ang HQ. lalo na't nandoon din sa lupa ang bangkay ni Reina. Malilinis ang kalat namin.
"Magdahan-dahan nga yang bunganga mo" Rinig kong sabi ni Callen.
"O, chill Callen. Ang aga-aga" Sagot ko at sumalampak sa sofa
"Goodmorning everyone!" Mula sa pinto ay pumasok si Tanya dala ang ngiti niya. Matagal-tagal na rin nung nakita ko ang mga ngiti niyang yun.
"Morning."
"Morning anya."
"What's with the energetic greet? nakamove-on agad matapos mamatayan?" Sabi ni Ylona kaya palihim akong ngumiti.
"Porket bumati nakamove-on agad?" Nanliliit ang mata ni Tanya ng tanungin niya ito.
"Girls pwede bang kahit ngayon lang kumalma kayo!" Pagpigil ni Clio sa namumuong tensyon.
"Okay." Kibit balikat na sagot ni Ylona.
Ilang minuto pa ang nakalipas at dumating na din si Jaylo at Colton na siyang nagpapunta pala sa amin dito.
"Nandiyan na sila" Sabi ni Clio at tumabi sa akin. Napalingon ako sa kanya at sinubukang kunin ang mga mata niya pero ni isang sulyap ay hindi niya ginawa kaya tumalikod na lang ako mula sa kanya.
"Anong sasabihin niyo?" Curious kong tanong.
Nakita ko kung paano mabilis na sulyapan ni Colton ang lahat at kung paano din nanginginig ang mga tuhod niya. Anong meron?
Aamin na ba siya na siya ang pumapatay?
"Si Zjan.." Panimula niya.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nang marinig ko ulit ang pangalan na yun.
"Kilala ko kung sino ang naglason sa Cafe nina Seige, kilala ko kung sino ang naglason sa kaibigan natin."
Halos aircon na lang ng condo ang naririnig ko sa sobrang tahimik ng lahat.
Hindi ko akalain na uungkatin niya pa ang tungkol doon.
"Sino?" tanong ko dahil wala namang may balak magtanong.
"It's Seige." I knew it.
"K-kaya niya ba ginawa yung pact na yun para mapagtakpan yung mali niya? para hindi siya ma-guilty sa pagkawala ng boyfriend ko!" Bakas ang inis sa boses ni Ylona habang sinasabi ang mga salitang yun.
Ang iba naman ay gulat na gulat din sa nalaman
"Yes." Sagot ni Colton
"And you know about this?" Tanong ni Ylona
"Yes."
Nagulat ako ng biglang sampalin ni Ylona si Colton. Kitang-kita ko din kung gaano kabilis dumaragsa ang luha ni Ylona.
"You killed OUR FRIEND.. dinamay niyo pa ang boyfriend ko sa kasalanang ginawa niyo." Sabi ni Ylona.
"It was an accident" Sagot ni Colton "Hindi alam ni Seige na nandoon si Zjan, He doesn't have intention to kill Zjan. Lalasunin niya lang dapat ang iba----"