↻ Chapter 15 (The Final Chapter)

14 2 13
                                    

           
               Reo's Point Of View

"Tama na ang drama" Sabi ni Kaia at tumayo na sa pagkakaaupo.

Sinimulan niya nang itutok ang baril niya kay Ylona. "Goodbye" Kasabay nang pagputok niya nang baril ay ang pagbaril ko din sa kanya.

Sabay na bumagsak ang katawan nila ni Ylona. Mabilis akong lumapit kay Ylona at tinanggal ang tali nang kanyang kamay.

"Ylona! Gising! gising!" Sabi ko at sinampal sampal siya.

"Reo.. tanggapin na natin" halos pabulong niyang sambit "Reo. Thank you and sorry"

Unti-unting pumikit ang mata ni Ylona hudyat na wala na siya.

Napaiyak ako habang iniisip ang mga nangyari. Wala akong kwenta hinayaan ko sila mamatay hinayaan ko mamatay ang mga kaibigan ko.

Tiningnan ko ang buong paligid. Tunay ngang wala na sila hindi ito basta panaginip lang.

"Mas maganda kung lahat tayo mamatay" Lumingon ako sa kung sino man ang nagsabi non at nakita ko si Tanya.

Agad niya akong binaril sa tiyan. Dahan dahan akong bumagsak hawak hawak ang tiyan ko.

"Till death to us part" Sabi ni Tanya at unti-unting pinikit ang mga talukap.

Tama. Walang iwanan.




4 years earlier.....

Naglalaro ng basketball ang magkaibigang si Seige,Colton at Clio.
Isang pustahan na naman ang kanilang napag-usapan.

"tig-2k, lapag lapag kung sino panalo sa kanya na yang 6k" Sabi ni Seige na determinadong manalo.

"Deal!" pagsang-ayon ni Clio at nilapag ang pera sa palad ni Colton.

Nagsimula na maglaro ang magkakaibigan ng mapansin ni Clio ang isang lalaki na nanonood sa kanila.

Naalala niya na ito yung lalaking tumulong sa kanya nung makipagbasag-ulo siya.

"Yo." Unang bati ni Clio sa lalaki.

"Yo." Sagot nito.

"Gusto mo bang sumali sa amin?" Tanong ni Clio. Agad naman na sumunod si Colton at Seige kapwa sang-ayon din kay Clio.

"Ayos lang ba?"

"Oo naman." Sabi ni Clio saka bumalik na sila sa paglalaro.

Ilang araw din ang nakalipas ay naging close na silang apat. Halos araw-araw na din silang naglalaro sa court at gumagawa ng iba't ibang kalokohan. Tunay nga na nagclick sila sa isa't isa.

"Seige!" Tawag ni Reina sa kaibigan

"Reina!"

"Seige. Ito si Tanya yung babaeng sinasabi kong willing mag-invest sa online buisness natin."

"Hello." Bati ni Seige at nakipagkamay sa nahihiyang si Tanya.

Agad naman nagtulukan ang mga lalaking kasama ni Seige nang makita si Tanya.

"Hoy kayong mga bakulaw! easy-han niyo lang." Natatawang sambit ni Reina. "Si Reo lang pwede sainyo siya lang matino."

Crime BuddiesWhere stories live. Discover now