↻ Chapter 6

10 2 4
                                    

         

            Ylona's Point Of View

Kasalukuyan kaming nandito sa HQ para tumambay at icheck kung malinis na ang lugar.

"Linis na dito ah di halatang may nangyari." Sabi ni Seige habang nakatingin sa pwesto kung nasaan si Reina nakitang patay.

"Sinong naglinis nito?" Tanong ni Colton at ibinaling ang tingin kay Clio.

"Akala ko ba kayo naglinis?" Tanong ni Callen kay Colton.

Si Callen mukhang mas okay na siya ngayon kumpara nung mga nakaraang araw napansin ko rin na nag-iba siya ng pananamit mas sophisticated ayaw pakabog kay Fawn.

"Hindi kami." Sabi ni Clio at tumingin kay Callen pababa ng pababa ang mga tingin niya halatang namangha sa pagbabago nito. pekeng umubo si Callen kaya inalis ni Clio ang tingin niya rito at nilipat kay Colton.

"Pinalinis ko." Sagot ni Clio.

"What kanino naman? Paano pag nalaman nila." Tanong ko

"Subukan lang nilang sabihin at hindi na sila makakalanghap ng hangin." Natatawang sagot ni Clio.

"Tanya, Okay ka lang?" Napalingon ako nang marinig ko ang bulong ni Reo kay Tanya. Ang iba rin ay narinig kaya napatingin din sila kay Tanya.

Halata pa rin kasi ang pamamamaga ng buong mukha niya. Namutla rin siya at bahagyang pumayat. Sa aming lahat siya ang pinakanaapektuhan sa nangyari.

"Sus ang arte arte." Sabi ko kaya napatingin naman sa akin sina Clio.

"Nagbreak down ka daw kanina." Sabi ni Callen at lumapit kay Tanya.

"Nagiinarte lang yan hindi breakdown ang tawag doon pag-iinarte." Sabi ko kaya masamang tumingin si Reo sa akin.

"Manahimik ka nga muna Ylona kahit isang minuto lang." Kalmadong sabi ni Reo pero tinarayan ko lang siya.

"Anong nangyari?" Takang tanong ni Colton.

"Kakausapin lang naman siya ni Jaylo kanina tapos bigla niyang hinampas yung upuan niya ayan agaw atensyon." Tumingin ako kay Tanya "Nagpapasikat na naman."

Tumawa si Fawn sa sinabi ko pero siniko siya ng mahina ni Jaylo kaya napatigil rin siya.

"Yun naman pala, bakit ba kasi kailangan pang guluhin si Tanya." Sabi ni Reo at lumingon kay Jaylo.

" Pagsasabihan ko lang sana siya at wala akong intensyon na guluhin siya." Sagot ni Jaylo.

"Di naman siya bata para pagsabihan." Ayaw talaga magpatalo  ni Reo.

"Alam mo ba yung ginawa niya?" Umiiling na tanong ni Jaylo.

"Hindi pero wag ka nang lumalapit pa sa kanya lalo----"

"Hindi porket wala na kami hindi ko na siya pwedeng kausapin." Nagtitimping sagot ni Jaylo.

"Oo ganon para mapadali na lang. Magloloko ka tapos ngayon hahabulin mo" Naiiling din na sagot ni Reo.

"Wala kang alam sa nangyari sa amin." Seryosong sagot ni Jaylo at tatayo na sana pero hinila ni Fawn ang t-shirt nito.

"Marami Jaylo."

Crime BuddiesWhere stories live. Discover now