Chapter Four

675 28 1
                                    

Bryle's Point of View

"Kuya, kailan siya magigising?" Tanong ng kapatid ko sa akin.

"Hindi ko alam. Pero sana ayos lang siya," sagot ko.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant, dito muna kami mananatili habang hindi pa nagigising ang babaeng niligtas namin kanina sa kalsada. Tumatakbo ako kanina kasama ang aking kapatid noong makita namin ang walang malay na babae. Naawa kami sa kanya dahil ang dami niyang sugat sa katawan.

"Kuya, nakakatakot 'yung babae," Kumapit si Shanen sa aking kamay. Mayroon siyang tinitignan kaya hinanap ko ito.

Nilibot ko ng tingin ang buong restaurant, nagulat nalang kami noong may biglang pumasok na babae. Duguan ang kanyang buong katawan at ang mata'y kulay pula. Hindi ko alam kung prank lang ba 'to, or content ng mga vloggers sa Youtube.

Lahat kaming mga kumakain sa restaurant ay nakatingin sa babae. Ang iba ay gulat, nalilito, at may napabilib dahil daw sa make up ng babae.

Ngunit sa tingin ko'y may kakaiba sa kanya. Parang mali ang kanyang aksyon. Tumayo ako at hinila ang kapatid ko papunta sa exit na pintuan, gusto ko lang maging sigurado at ligtas.

Dahil natakot ang mga bata at ibang customer sa babae, lumapit ang security guard sa kanya para kausapin.

"Ma'am, hindi po allowed ang gore costume at pranks sa restaurant. Sorry po pero pinagbabawal ng boss namin—" bago pa matapos ng security guard ang kanyang sinasabi, agad na umatake ang babae sa kanya.

Lahat kami ay napasigaw noong biglang kinagat ng babae ang labi ng guard. Natanggal ang pangibabang labi ng guard at ito'y nginunguya na ng babae, tila kinakain niya ito.

"Diyos ko!" Sigaw ng matandang lalake at sinubukang awatin ang babae ngunit siya naman ang sinunod nitong kagatin sa leeg.

Hindi ako magalaw. Alam kong hindi na 'to prank. Biglang sumakit ang tiyan ko dahil sa nakita ko.

Doon ko na napagtanto na nasa delikadong sitwasyon kami. Hindi ko alam kung ano at bakit 'yon nangyari. Ang nasa isip ko ngayon ay tumakbo kasama ang aking kapatid. Hinawakan ko ang kamay ni Shanen at lumabas na kami sa restaurant. Madami kaming nagtatakbuhan ngayon sa labas.

May narinig akong mga sumisugaw at mga sasakyan na nagkabanggahan ngunit hindi na ako lumingon.

"Kuya!" Sigaw ni Shanen at tinuro ang isang babae na nasa tabi ng sasakyan na nabaliktad. Duguan ang kanyang ulo at damit.

Bago pa kami makalapit sa babae ay nawalan na siya ng malay.

"Miss? Ayos ka lang ba?" Tanong ko ngunit hindi na siya gumagalaw.

"Hindi natin siya pwedeng hayaan lang dito," saad ko at saka binuhat ang babae. Hindi ko na inisip na mahihirapan ako sa pagtakbo.

Yannah | Zombie Apocalypse StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon