Chapter 4

37.8K 772 30
                                    


SA SIMBAHAN ang ikalawang pagkikita nina Nick at Jessica.

Pakiramdam ni Jessica ay siya ang bride at si Nick ang groom. Kung guwapo at sexy si Nick sa suot nitong maong noong una silang magkita, higit ngayon sa pormal nitong suot na barong-tagalog.

Ang reception ay sa malaking bahay nila sa asyenda. Pinagkaguluhan ng mga kabinataan si Jessica. Mga kabarkada at mga kababata. Mga anak-anak ng mga kaibigan ng ama niya. Isa na rito ang anak ng mayor ng bayan nila. Si Gino, isang high school sweetheart.

"Hi, cute..." nakangiting bati nito. "Excuse me boys, pero heto na ang prince charming ng pinagkakaguluhan ninyo," dugtong nito habang nagtatawanan ang mga nakapaligid na mga kaibigan.

"Hello, Gino... hindi ko akalaing magkikita tayo. Ang alam ko ay sa Siliman University ka nag-aaral sa Dumaguete," ganting-ngiti at tugon niya.

"Gosh, Jess! Kamukha mo, sem break din namin ngayon..." At umupo ito sa tabi ng dalaga. "Napakaganda mo ngayon, Jess..." dugtong nito na namumungay ang mga mata.

"Matagal ko nang alam 'yon, Gino. Anyway, thank you for stressing the obvious..." birong sagot niya.

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ng dalaga. Hindi pa rin nagbabago ang dating kababata at nobyo. Bohemyo at galawgaw pa rin.

"Gino, iniirapan ako ng mga girls..." At sabay sulyap sa ilang mga dalaginding sa bulwagan. Ang iba ay mga dating classmate. Some are new faces.

"Jess, love... I hate girls who do the chasing..." at niyakag nito sa bulwagan ang dalaga upang sumayaw.

Nakangiting sumunod si Jessica nang mapadako ang pansin niya kay Nick. Ikinompara niya si Gino roon. All right, guwapo rin si Gino, definitely, walang duda roon. Pero iba ang dating ni Nick sa kanya. Hindi niya kayang ipaliwanag. At sisiw ang tingin niya kay Gino kompara sa agilang si Nick

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may lumapit na babae kay Nick. Seksi ito sa kulay-pulang mini-skirt. Maiksi ang buhok at maputi.

"Gino, sino 'yong babaeng iyon?" At ininguso ang itinatanong. "'Yong nakapulang kumapit sa kapatid ni Tita Claire."

"Si Melisa, sekretarya ng Daddy 'yan. Bakit?"

"Wala, bagong mukha..." sagot niya na hindi inaalis ang tingin sa dalawa.

"Hindi ka naman kasi naglalagi dito sa atin. Sa bayan nakatira iyan. Pag-aari ng mga magulang niya 'yong parmasya malapit sa munisipyo. Sa likod ang bahay nila." At hinapit ang dalaga.

"Gino, nauubusan ako ng oxygen..." birong saway niya.

'Mouth to mouth resuscitation, you want?" nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

"Gino!"

"I missed you, Jess... ang daming babae... but there was only you..." Seryoso ang boses na iyon.

Huminga nang malalim si Jessica. "Do not rekindle an old dying flame, Gino..." seryosong sagot din ng dalaga at sumulyap muli sa kinalalagyan ni Nick.

Nasa kalagitnaan na ang tugtog nang makita ni Jessica na hinila ng babae si Nick sa gitna ng bulwagan. Hindi gaanong malaki ang sala ng malaking bahay at iilan lang ang nagsasayaw kaya hindi gaanong malayo ang dalawa sa kanila.

"Kaano-ano ni Nick ang Melisang iyan, Gino?" tanong niya uli.

"Balitang magkasintahan ang dalawa. Malimit makitang magkasama ang dalawang iyan at nagpupunta si Nick sa bahay ni Melisa sa bayan." Lumuwag ang pagkakahapit ng binata sa kanya at tiningnan siya. "Why the curiosity, Jess? Huwag mong sabihing may crush ka kay Nick?"

Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon