Chapter 5

36.7K 807 16
                                    


ISANG linggo ang matuling lumipas na hindi niya nakita si Nick. Pero sa naririnig niyang pag-uusap ng papa niya at ng madrasta ay malimit ito sa asyenda. Nagre-report si Nick kay Philip sa anumang suliraning may kinalaman sa mga gawain sa asyenda.

Nang hapong iyon ay kausap ng papa niya si Gino.

"Hija, nagpapaalam si Gino na mangabayo kayo," bungad ni Philip. "Magtungo kayo sa kuwadra at hingin mo kay Berto ang mga kabayong maaari ninyong gamitin."

Magkasamang tinungo ng dalawa ang kuwadra. Dalawang kabayo ang siniyahan ni Manong Berto upang magamit nila.

Sasampa na lamang sa kabayo niya si Jessica nang mapuna ang malaki at itim na kabayo na nasa may dulo ng kuwadra.

"Iyon ang i-saddle ninyo para sa akin, Manong Berto," sabay turo sa nakita.

Mabilis na umiling ang matanda. "Naku, Jessica, hindi puwede iyon at mapapagalitan ako ng papa ninyo at ni Nick," sagot ni Manong Berto.

"'Bakit po?" At lumapit sa kabayo kasunod si Gino.

"Wow! Stallion!" Napasipol ang binata sabay himas sa ulo ng kabayo.

"Palahian po iyan. Si Nick pa lang ang maaaring sumakay diyan. Kahit si Philip ay naihulog na niyan," paliwanag ng matanda.

Na-curious si Jessica nang marinig na si Nick pa lang ang sumasakay sa kabayo. "So, si Nick ang amo mo, ha? Come on BlackBeauty... ikaw ang gusto ko!"

Kung bakit napilit ni Jessica ang matanda ay hindi pa rin maunawaan ni Gino. Naiiling na lamang siya nang sumampa na sa kabayo ang dalaga.

"I wish I could own a horse like that..." himig nananaghili si Gino.

Marahang tinapik ng dalaga ang kabayo. "Easy... ask your dad..."

"Ewan ko ba sa Daddy kung bakit hilig ang politics," malungkot na sagot ni Gino. "'Ayun, iba ang namamahala ng farm namin. Kung ako ang masusunod, pipiliin ko ang farm. In a way, naiinggit ako kay Nick... ang mga ginagawa niya ang gusto ko."

"Don't despair. You'll have your time," sagot ni Jessica. Alam niyang gusto ng daddy ni Gino na ito man ay sumunod sa mga yapak ng matanda.

Hinuhubog nito ang anak sa politics na kinamumuhian naman ng binata.

"Come on, race tayo. Unahan hanggang sa bukana ng ilog," paghahamon ng dalaga.

"Hindi patas ang laban, Jess. Bukod sa mahusay ka nang mangabayo, mamaniin lang ng stallion na iyan itong kabayo ko," sagot ni Gino na bagaman at nagrereklamo ay nakaramdam ng thrill.

"O, sige... may partida. Mauna ka hanggang sa may dulong mangga..." At itinuro ang malaking punong nakahilig sa daan na marahil ay singkuwenta metro ang layo mula sa kinaroroonan nila. "Pagdating mo doon ay saka pa lang ako magpapatakbo."

"Fair enough," nakangising sang-ayon ng binata at mabilis na pinatakbo ang kabayo nito.

Nang matanaw ni Jessica na inabot na nito ang dulong mangga ay mabilis na hinapit ang kabayo niya. "Hiya!"

Ang laking gulat nilang pareho nang abutan ni Jessica si Gino. Tuwang-tuwa ang dalaga sa performance ng sinasakyang kabayo.

Sa kabilang panig ng asyenda ay kausap ni Nick ang isa sa mga katiwala ng asyenda.

"Sa palagay ba ninyo, Mang Delfin, ay matatapos bukas ang pagpabagsak ng niyog?" tanong nito habang hawak ang walkie talkie.

"Tantiya ko, Nick. Itong bahaging ito na lang ang hindi pa natatapos," sagot ni Mang Delfin.

Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon