Chapter 19

38K 773 6
                                    


KINABUKAS AN ay ipinasya ni Jessica na makipagkita sa abogado. Gusto niyang ipaayos ang mga titulo ng lupa bago siya umalis pabalik ng Amerika. Sana'y kayang tanggapin ng puso niya ang terms ni Nick... "We'll serve each other in bed, anyway..."

Natanaw pa ni Nick ang Range Rover nang ipasok nito sa garahe ang pickup.

Pagpasok ng bahay ay sinalubong siya ni Claire. Iniwasan nitong tingnan ang huli. Tuloy-tuloy ito sa library. Sumunod si Claire.

"Malaki na ang inihuhulog ng katawan mo, Nick..."

"Claire, please... huwag kang mag-umpisa..." sagot nito. "Gusto kong makita ang statement of account na ginawa ng accountant. Nasaan?"

"Bakit pinahihirapan ninyo ang isa't isa, Nick? Bakit hindi ikaw ang bumigay? Hindi mo pa ba nakikitang mahal ka niya?"

Huminto sa pagbubukas ng drawer si Nick. Tumingin sa kanya. "You know what? Gusto kong isiping ikaw ang natatakot sa multong ginawa mo. Ikaw ang nagbigay ng stipulation at ngayon ay ikaw ang natatakot!"

"Hindi ang asyenda ang ibig kong sabihin, Nick. Alam mong buhay ko man ay ibibigay ko kapalit ng kaligayahan mo." Namumuo na ang luha niya sa mga mata.

Hindi kumikibo si Nick at muling nagpatuloy sa ginagawa.

"She is leaving, Nick..."

Sandali itong natigilan. Pagkuwa'y nagkibit ng balikat. "So, what else is new?"

"Sa pagkakataong ito ay baka hindi na kayo magkita!"

Ibinagsak ni Nick ang mga papeles sa mesa. "Stop torturing me! Ano ba ang gusto mong gawin ko? Magmakaawa sa kanya na huwag akong iwan?"

"Why don't you at least, talk to her?"

"Hindi kami humihinto sa pakikipag-usap sa isa't isa, Claire..." sarkastikong sagot nito.

"Napakaimposible mo, Nick!" At lumabas ng library.

Paglabas ni Claire ay binitiwan ni Nick ang mga dokumento. Umupo at sumandal, tumingala sa kisame.

Ilang minuto rin siya sa gaanong ayos bago naisipang lumabas. Pumanhik sa silid ni Jessica. Inabutan nito ang katulong na ibinababa ang mga maleta mula sa itaas ng closet.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Pinalilinis po, Manong Nick..." sagot ng katulong.

"Mamaya na, lumabas ka muna..."

Walang kibong sumunod ang katulong. Naiwan si Nick na nakatitig sa mga maleta. Umupo sa stool ng tokador nang mapansin ang passport ni Jessica.

Wala sa loob na dinampot at binuklat. Nagsalubong ang mga kilay niya sa nabasa...

Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon