Epilogue

59.3K 1.4K 207
                                    


ISANG marangyang kasalan ang sinaksihan ng bayang iyon. Dinaluhan ng maraming kaibigan at kakilala. Kahit si Luisa ay umuwi ng Pilipinas mula sa California.

Si Mayor at Attorney Rocha ang tumayong mga sponsor.

Si Gino ang bestman at ang kapatid nitong dalaga ang maid of honor.

Tuwang-tuwa ang mga tauhan ng magkadikit na asyenda. Dobleng katuwaan dahil sa kasal ng dalawa at dahil sa mga benepisyong inilahad nina Nick at Jessica. Disenteng pabahay para sa mga ito sa isang bahagi ng dalawang lupain.

Halos hatinggabi na nang mapagsarili ang mag-asawa sa Villa del Mar.

Bago umuwi sa malaking bahay si Claire ay inabot sa dalawa ang sulat ni Philip.

Nasa higaan ang dalawa nang buksan nila ito at basahin.

Dearest Nick at Sunshine,

lsinulat ko ito sa pag-asang hindi na ninyo mababasa... na ako na mismo ang magsasabi ng nilalaman nito sa inyo.

Ganoon pa man, kung sa mga sandaling ito ay tinutunghayan ninyong dalawa ang sulat kong ito, nangangahulugan lamang na hindi kami nabigo ni Claire,

I love you both, Nick and Jess. Hindi ko alam kung nagkamali ako nang sadya ko kayong ipakasal noong una. Alam kong walang malisyang naganap noon sa guest room, Nick. Pero minadali ng insidenteng iyon ang plano ko para sa inyo ng anak ko.

I have always wanted you as a son, Nick. At ikaw pa rin ang napipisil ko para sa aking si Jessica. I have loved and spoiled my daughter, pero hindi ko pinagsisisihan iyon. If I were to rear her again, I would still do the same. Lamang dumating ito sa puntong ang lalaking kailangan niyang kasamahin habang buhay ay nakahihigit sa kanya to earn her respect. At ikaw iyon, Nick!

Kami ni Claire ang higit na nasaktan sa pagkakalayo ninyo. At nang dalawin kita, Jess, sa California, ay natiyak kong mahal ninyo ang isa't isa. Kaya ginamit namin ang mga mana ninyo upang magsilbing daan sa muli ninyong paglalapit.

Hindi dahil sa ang bawat isa sa inyo ay mas pahahalagahan ang mga manang kayamanan, kundi ito ay magsisilbing hamon para sa inyo. Sinadya naming maging kakabit ng bawat isa sa inyo ang mga mamanahin ninyo.

Patawarin ninyo ang matandang ito sa panghihimasok sa suliranin ng inyong mga puso.

Kung sakaling kami ay nabigo, then you will still both be well provided for. Ikaw, Jess, ang malaking bahay at ang bahagi ni Claire pagdating ng araw. Ikaw, Nick, ang villa at ang lupain sa Laguna. Hindi namin panghihinayangang mauwi sa mga tapat na mga tauhan ang lupaing kanila ding sininop at pinaghirapan hindi pa man kayo isinisilang.

Alam kong mauunawaan ninyo ako.

I love you, Sunshine... Tell the story to my grand-children.

Philip

Halos hindi na mabasa ni Jessica ang sulat sa mga luhang nag-uunahan sa paglandas sa mga pisngi niya. "O, Papa..." At maingat na itiniklop ang papel na nabasa ng luha niya.

"Hush... honey..." si Nick na nagbara ang lalamunan at halatang nagpipigil ng emosyon.

Napayakap sa asawa si Jessica. Pinahid ni Nick ng mga halik ang mga luha niya.

"Bakit hindi mo ginawan ng paraang magkalapit tayo gayong higit ang mawawala sa iyo?" humihikbing tanong niya.

Sinapo ng mga palad ni Nick ang mukha ng kabiyak. Masuyong tinitigan.

"Tulad ng gustong sabihin ng Papa, Jess. Incidental lang ang mana. Gusto kong makatiyak na mahal mo ako. This may sound corny, darling, walang halaga ang mga iyon kung wala ka."

"I love you so much, Nick del Mar..."

"At iniibig din kita, Mrs. del Mar.

Nakapanghihinayang ang dalawang taong nasayang sa buhay nina Jessica at Nick. Pero pinatunayan lamang nito na silang dalawa'y para talaga sa isa't isa.

Magandang halimbawa rin ang kanilang kuwento sa mga taong pabigla-bigla sa pagdedesisyon. Lagi nating tandaan na sa isang relasyon, mahalaga ang komunikasyon, at pagtitiwala upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan.

Maraming salamat po.

••WAKAS•••



****Maraming salamat mga beshies sa patuloy na pagsuporta sa mga gawa ni Ms. MC... Sa mga gusto pala magpa-dedication mag-comment lang kayo dito at maidedicate na sa inyo ang mga susunod na kuwentong iuupload namin. Maraming salamat ulit at always pray lalo na sa mga nasalanta ng mga kalamidad. Happy Holidays everyone. And enjoy and keep supporting. <3 <3 <3 - Admin A **********

Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon