Yakap

13 1 0
                                    


Pwede ba na ika'y aking yakapin?
Yakap na parang ika'y akin
Pakiusap,ako'y iyong yakapin
Yakap na parang mawawalan ng hangin

Ako ba ang yayakap o ikaw?
Pag ikaw ang yumakap agad na bibitaw
Pag ako ang yumakap baka ako'y hindi na makabitaw.
Paano? Ako ba o ikaw?

Gusto kitang yakapin
Ngunit marami ang nakatingin
Baka ikaw ay mahiya
Pag aking pinakita

Wag naman sanang mahiya
Dahil pag ika'y kayakap ako ay sumasaya
Ngunit anong karapatan ko para magreklamo?
Kung ang alam nila ay hindi tayo

Tayo na para saki'y ikinakahiya mo
Ako ba'y sadyang mahal mo?
O sadyang ikinakahiya mo?
Ako'y sagutin mo

Paniwalang-paniwala na ko sa pinapakita mo
Malapit na kong mahulog sa bitag mo
Sana ako'y ipag-sigawan mo
Ipag-sigawan na ako ay mahal mo.

One shots Where stories live. Discover now