As I Promise

5 1 0
                                    

"Pa, order ka nito pag mura pero pag mahal wag na lang." sabi ko sa papa ko.

"1,500 php yan." Sabi naman niya.

"Mahal naman, wag na lang po." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Wala bang budget si papa, next time na lang ah?" Pag papaamo ni papa.

"Okay lang poo" sabi ko naman.

While my sister...

"Papa gusto ko nito, bilhan mo ko" sabi ng kapatid ko kay papa.

"Wala pang budget si papa nak, gamitin mo yung binigay ko sayo na allowance." sabi naman ni papa.

"Kulang 'to papa." sabi ng kapatid ko.

"Eto oh gamitin mo allowance ko, hindi ko naman nagagastos e." sabi ko naman.

"Kulang pa rin!" pag mamaktol ng kapatid ko.

"Magkano ba yan?" tanong ni papa.

"3,000 php." sabi ng kapatid ko kaya nagulat naman kami.

"1,500 binigay ko sayo (?)" sabi ko naman.

"Oo nga, 500 na lang pera ko e" sabi ulit niya.

"Oh eto 1,000" sabi ni papa sabay abot ng pera, napangiti na lang ako.
___

"Papa kailangan ko ng pera para sa project namin, hindi na sana ako hihingi kaso kinulang ako" sabi ko kay papa.

"Walang pera si papa nak." Sabi naman ni papa.

"Ah sige po, uutang na lang ako sa classmate ko." sabi ko naman.

"Sige nak."
____

"Bakit bagsak grades mo?! humihingi ka ng pera para sa project mo tapos bagsak ka?!" sigaw sakin ni papa.

"Sorry pa, sorry." umiiyak kong sabi.

"Saan mo ginagastos ang pera?! akala mo ba madali lang mag trabaho?!" sigaw ulit sakin ni papa.

"Kaya nga po hindi na ko masyado humihingi ng pera kasi alam kong mahirap, sorry po, promise po,babawi po ako." umiiyak ko pa rin'g sabi.

"Siguroduhin mo lang!" sigaw ni papa sabay alis.
____

"Doc. wala na po bang mas mura na gamot?" tanong ko.

"Wala iha, malala na sakit mo." sabi naman sakin ng doctor.

"Gagaling naman po ako diba?" tanong ko ulit.

"Hindi tayo sigurado dyan iha."

"Sige po, uunahin ko na lang po muna pag aaral ko."
___

And I graduated..

"Proud na proud talaga ako sayo nak" sabi sakin ni papa napangiti ako at..

I collapsed...

One shots Where stories live. Discover now