Isa ka rin ba sa kanila

2 1 0
                                    

Note: This is one of my favorite that I made.

ISA KA RIN BA SA KANILA?

Sa unang tingin tila ba ang puso ay nabighani mo na
Ako’y kinilig dahil ako ay nginitian mo pa
Ano ‘tong nararamdaman kong saya?
Makita lang kita tila ang araw ko ay kumpleto na.

Hindi ko inaasahan na ako’y mapapansin mo
Pero ito, ako ay kinakausap mo
Hindi mo alam kung anong saya ang dulot mo
Pero sa’yong ngiti, ako agad ay napapasaya mo.

Lumipas ang mga araw
Pangalan mo lagi ang lumilitaw
Sa nag daan na araw
Ikaw ay hindi ko na matanaw.

Ano ba ang problema?
May problema ba?
O sadyang mas masaya ka lang sa iba?
Ako naman ay kausapin mo dahil ako’y nababaliw na.

Gusto kitang kulitin
Gusto kitang habulin
Pero ayaw kitang guluhin--
Lalo na kung hindi ka naman masaya sa’kin.

Gusto kong mag selos sa inyo
Gusto kong isumbat sa’yo
Pero ano bang karapatan ko?
Isa lang naman akong pampalipas oras mo.

Pampalipas oras mo nga lang ba ako?
O sadyang ako ay gusto mo?

Isa ka rin ba sa kanila?--
Na papaasahin lang ako sa wala?

Isa ka rin ba sa kanila?--
Na iiwan ako at malala, pagmu-mukhain pa akong masama?

Isa ka rin ba sa kanila?--
Na ikakahiya ako at malala, ipagtulakan pa?

Isa ka rin ba sa kanila?--
Na gagawin akong panakip butas habang sila ay nasasaktan pa?

Sabihin mo, dahil ayoko na.
Ayoko na maging tanga.
Ayoko na masabihan ng "malandi ka"
Kahit ang ginagawa ko lang naman ay ang gustuhin ka.

O sabihin na natin na--
Ang ginagawa ko lang naman ay ang damayan ka
Bakit ganyan sila?
Puro sila dada kahit hindi naman nila alam ang buong istorya.

Ikaw ang unang lumapit
Pero bakit sa'kin sila nagagalit?

-

One shots Where stories live. Discover now