A NIGHT WITH YOU

3 1 0
                                    


𝙳𝚎𝚍𝚒𝚌𝚊𝚝𝚎𝚍 𝚝𝚘: Claire Silvéstre Roulette

Sa dulo ng gubat ay may makikita kang balon kung saan pwede kang mag wish, ang way ng pag wwish dito ay kailangan mo ng imahinasyon, imaginin mo ang bagay na pinapangarap o hinihiling mo.

"Claire, punta ulit tayo sa balon!" sigaw sa'kin ni James.

James, siya ang laging kasama kong humihiling sa balon.

"Ang aga pa! Mamayang gabi na lang ulit." sagot ko rito.

"Oo nga, pinapaalala ko lang."

"Tara, mag wish na tayo." bungad niya nang makarating kami sa may balon.

"Will you marry me?" nakangiting tanong sa'kin ni James.

"Y-Yes, yes!" natutuwang sagot ko naman.

"I l----"

"Tapos ka na mag wish?" biglang tanong sa'kin ni James.

"A-Ah oo." sagot ko na lang.

_

"Tara na, gabi na! Mag wish na tayo ulit." galak na sabi ni James.

"Daddy daddy! Mommy mommy!" tawag samin ng anak namin ni James. "Baby wants a hug from mommy and daddy." paglalambing nito.

"Tapos na?" biglang tanong ni James.

"O-Oo." nahihiyang sagot ko.

_

"Wish ulit tayo, gabi na!" masayang sambit ni James.

"25th anniversary na natin, hon." nakangiting sambit ko kay James.

"Ang tagal na natin at sana mas tumagal pa." sabi nito.

"Tapos na ba?" tanong ni James.

"Oo." nakangiting sambit ko.

_

"James, tingin mo dapat na akong umamin?" biglang tanong ko kay James habang naglalakad kami papunta sa balon.

"Umamin na ano? Tomboy ka? Matagal na naming alam." pang aasar nito.

"Epal ka, hindi ako tomboy. Seryoso kasi, diba lagi tayong humihiling sa balon?" tanong ko at tumango naman siya. "Aamin na ba ako sa taong pinapangarap ko?" nakatinging sambit ko sa kanya.

"Oo naman kasi, balewala lang yang pag hiling mo kung hindi ka gagalaw para matupad yun." sagot naman niya. "Subukan mong umamin malay mo, ikaw din pala ang hinihiling niya sa balon na 'to."

"Sige, aamin na 'ko." kinakabahang sambit ko nang makarating ako sa tapat ng balon.

"Mabuti yan, lakasan mo lang loob mo! Sige, kunware ako yung pinapangarap mo, mag practice ka." nakangiting sambit niya.

"Sige ba." sagot ko naman tsaka ako tumungin sa mga mata niya.

"Matagal na kitang gusto, hindi ko alam kung paano nagsimula pero, basta ko na lang naramdaman, basta isang araw, ikaw agad ang hinahanap ko."

"Tuwing gabi, pupunta tayo dito sa balon para humiling, walang mintis ang paghiling ko sayo, hanggang nga umabot sa pag tanda na natin e."

"C-Claire, s-sino ba yan ha?" tanong niya.

"Ikaw." mabilis kong sagot. "Ikaw James, pasensya na ah? Hindi ko na mapigilan yung nararamdaman ko, kapag pinipigilan ko lalo lang akong nahuhulog at lalo lang kitang minamahal."

"C-Claire, oo lagi tayong magkasama.." nag aalinlangang sambit niya. "Pero, hindi ikaw ang hinihiling ko, hindi ikaw ang pinapangarap ko."

"A-Ano?" tanong ko.

"Oo masaya akong tuwing magkasama tayo tuwing gabi dito at sabay humihiling pero Claire, hindi ikaw ang pinapa---"

"Bakit kailangang paulit ulit mong sabihin yan?" tumatawang tanong ko.

"Pinapaliwanag ko lang naman ng maayos."

"Ang daya, isa pala ako sa mga taong hindi matutupad ang kahilingan." tumatawang sambit ko. "Pero, okay lang." nakangiting sabi ko.

"Nililigawan mo ang ate ko diba?" tanong ko rito.

"P-Paano mo nalaman?" balik tanong niya.

"Matagal ko ng nahahalata yung mga tinginan mo sa kanya, ngayon ko lang binigyan ng pansin." nakangiting sambit ko.

"Sorry.." sambit niya.

"Epal, ayos lang yun!" tumatawang sambit ko. "Sige, uwi na ko ah?"

"Hindi ka ba mag wwish?" tanong niya.

"Nang aasar ka ba? Iba ang pangarap ng pinapangarap ko tapos hihiling pa ko?" natatawang tanong ko.

"Pwede namang ibahin mo na, tulad na lang ng kinabukasan mo." sagot niya.

"Hindi ako hihiling para sa kinabukasan ko dahil kaya kong kumilos para maabot ko yun, nag baka sakali lang naman sa paghiling nung nakilala kita kaso, hindi naman natupad." sambit ko.

"Sige na, uuwi na ko." pagpapaalam ko at umalis na.

"Ikaw lang yung pangarap ko na alam kong hindi ko maaabot." bulong ko sa hangin.

THE END.

One shots Where stories live. Discover now