Note: I will make a story about this titled "Till My Last Breathe"
𝑩𝒊𝒏𝒂𝒍𝒆𝒘𝒂𝒍𝒂
𝐼𝑘𝑎𝑤 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑙𝑎
𝐴𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦-𝑎𝑟𝑖 𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑚𝑑𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑚𝑖𝑛𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑘𝑜."Love, sorry busy ako." sabi ni Colby.
"I-It's our anniversary today." sabi ko pero hindi niya na narinig dahil binaba niya na ang tawag.
𝑃𝑎𝑘𝑖𝑠𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔
𝑁𝑎 𝑤𝑎𝑔 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔-𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑎𝑡 𝑜𝑘𝑎𝑦 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜.Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero, nakita kong pinatay na niya ang phone niya.
Pinagmasdan ko siya mula sa malayo habang kasama niya ang kaibigan ko, sobrang saya nila habang ako nasasaktan.
𝑆𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑔𝑎 𝑛𝑔 𝑖𝑏𝑎
𝐾𝑢𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑦 ℎ𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜."Saan ka pupunta, love?" tanong ko rito.
"Dyan lang, may kailangan akong i-meet."
𝐻𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑚𝑎𝑎𝑙𝑎𝑚.
"Alis na 'ko love ah?" sabi niya. "Hindi kita masusundo mamaya baka sa kanila na ako matulog."
𝐻𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑙𝑢𝑚𝑖𝑠𝑎𝑛.
Nakatulala lang ako na nanonood sa kanya habang umaalis siya.
"Ano bang dapat kong gawin?" tanong ko sa sarili ko.
𝐾𝑎𝑦𝑎'𝑡 ℎ𝑢𝑚𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑦 𝑏𝑎𝑡ℎ𝑎𝑙𝑎.
"Bakit naman bigla bigla desisyon mo, Anastacia?" tanong ng kuya ko.
"Ganun talaga para matuloy." pabirong sagot ko.
"Paano na si Colby?" napangiti na lang ako.
𝑁𝑎 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑎𝑦 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑙𝑢𝑙𝑢ℎ𝑎 𝑝𝑎.
"Love.." tawag ko sa kanya.
"Yes love?" sagot niya habang nakatutok pa rin sa kanyang phone.
𝑁𝑎 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑎𝑦 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑚𝑎𝑔-𝑖𝑖𝑠𝑎.
"Aalis na 'ko." tipid na sabi ko kaya, bigla siyang tumingin sa'kin at sa dala ko.
"Bakit may dala kang maleta?" nagtatakang tanong niya.
𝑁𝑎 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔...
"Aalis na kasi ako." hilaw na ngiting sagot ko sa kanya.
"S-Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Magbabakasyon ako sa Canada."
"Without me?" parang naiinis na tanong niya.
May inabot ako sa kanyang box na naglalaman ng pictures nila ng kaibigan ko na ako mismo ang kumuha.
"Tsaka mo na buksan yan kapag nakaalis na 'ko." nakangiting sabi ko.
𝐼𝑛𝑔𝑎𝑡𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎.
"Faith.." tawag ko sa kaibigan ko.
"A-Anastacia, hi!" inabot ko sa kanya ang envelope na naglalaman ng isang picture nila together. "A-Anastacia.." pilit ko siyang ngitian.
𝐵𝑖𝑛𝑎𝑙𝑒𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑘𝑜 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎𝑦𝑜.
"Aalis na 'ko right after nito, hindi niyo na kailangang magtago."
𝑁𝑎𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑦𝑠𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙.
"Matagal-tagal ko ring pinag-isipan 'to, nung una oo nagalit ako syempre kaso, naisip ko rin yung pagkukulang ko na pinunan mo."
𝑁𝑎 𝑘𝑎𝑦 𝑡𝑎𝑔𝑎𝑙 𝑘𝑜 𝑟𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑖𝑛𝑢𝑏𝑢𝑜.
"P-Pero sana inamin niyo na lang sa'kin, alam niyo namang maiintindihan ko kahit sobrang hirap intindihin."
𝑁𝑎 𝑘𝑎𝑦 𝑡𝑎𝑔𝑎𝑙 𝑘𝑜 𝑟𝑖𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑠𝑖𝑛𝑢𝑘𝑜.
"Sinubukan ko namang ibalik yung dati simula nung nalaman ko kaso, wala pa rin e."
𝐵𝑖𝑛𝑎𝑙𝑒𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑘𝑜 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎𝑦𝑜.
"Kahit anong gawin ko, nasa 'yo na yung atensyon niya."
𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎𝑦𝑜..
"Ikaw na yung mahal niya, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun diba? Thank you for being there for him, he deserve someone like you of course, I know because we've been friends for almost 9 years."
𝐻𝑒𝑡𝑜 '𝑛𝑔 ℎ𝑢𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑤𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑟𝑖𝑟𝑖𝑛𝑖𝑔.
"L-Love.." napangiti ako nang marinig ko ang boses niya sa likod ko.
"Ayan, nandito na siya. Malaya na kayong maging masaya without hiding from other people." nakangiting sabi ko pero traydor na luha, bumabagsak na.
𝐻𝑒𝑡𝑜 '𝑛𝑔 ℎ𝑢𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑑𝑎𝑡𝑖 𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑛𝑖𝑘𝑖𝑙𝑖𝑔.
Masuyo ko siyang tinignan na tulad ng dati na may ngiti sa labi.
"P-Please, forgive me." nakaluhod na sabi niya.
"L-- Colby, tumayo ka baka isipin nilang pinapahirapan kita hoy." pabirong sabi ko rito.
"Love please, please."
𝐻𝑒𝑡𝑜 '𝑛𝑔 ℎ𝑢𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑤..
"Tumayo ka, please." masuyong sambit ko at agad naman siyang tumayo.
𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑦𝑎𝑘𝑎𝑝 𝑘𝑜'𝑡 ℎ𝑎𝑙𝑖𝑘..
Niyakap niya ako na parang ayaw niya akong pakawalan.
"Sorry sorry, 'wag mo akong iwan please." nagmamakaawang sabi niya.
"Colby.."
"Please, maawa ka sa' kin." sabi niya.
"H-Hindi ka naman naawa sa'kin e." nakangiting sabi ko rito at humiwalay sa yakap niya.
𝐻𝑒𝑡𝑜 𝑛𝑎...
"Sige na please, hayaan mo na 'ko"
ℎ𝑒𝑡𝑜 𝑛𝑎..
"Sobrang sakit na kasi kaya, please hayaan mo na 'ko." nagsusumamong sabi ko rito.
𝐼𝑛𝑔𝑎𝑡𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎..
"Aalis na ako ah? Mag ingat at maging masaya kayo." nakangiting naiiyak na sabi ko at tumingin ako kay Faith.
"Please, last favor." nangungusap kong sabi. "Take care of him, iyakin 'to pero, konting lambing lang okay na."
Tumingin ulit ako kay Colby.
"Don't do it again hm? Be happy and I'll be happy."