Angelo's Pov
Pagkababa ko, pumunta agad akong garden , nakita ko don sila ate at kuya.
Kuya, sorry. Naging pabaya ako, hindi ko alam na naapektuhan si Christine non. Bungad ko
Alam mo, Angelo. Mahal ka nung kapatid namin. Hindi ko alam kung bilang kaibigan, kapatid o iba. Pero isa lang masasabi ko mahalaga ka sakanya. Kaya nga nagseselos yon sa lahat ng bagay eh. Kaya siya nasasaktan sa mga sikreto mo. Sabi ni Kuya Zed
Kung ako sayo, sabihin mo na lahat, para isang sakit at hirap nalang. Alam kong selfish siya, pag dating sayo. Pero maiintindihan ka din niya. Sabi ni Kuya Zed
Si Princess kasi masyadong maramdamin eh. Konting sikreto mo lang na nalaman niya sa ibang tao, didibdibin niya yon . Sabi ni Ate Cecile
Nakikinig lang ako sakanila pero natatakot ako kay Kuya Kiel
Tsaka sana mag doble ingat ka, kung makikipag sex ka, ilayo mo yung cellphone mo sa mga babae mo. Pano kung Mama mo o si Tito Mark ang tumawag sayo ? sa tingin mo magiging masaya sila don? Sabi naman ni Ate Zel
Tama si Zed, Mahalaga ka sakanya. Masakit para sa isang babae na yung taong mahalaga sayo nakikipag sex sa iba pinaririnig mo pa sakanya. Kitang kita ko yung lungkot sa mata ni Princess. Kilalang kilala ko yon, dahil gustong gusto ako non para kay Kiel. Kaya alam ko lahat ng kilos at galaw niya pati nararamdaman niya . Mas cold na sabi ni Ate Fryzella
So anong balak mo ? Ganon ganon nalang yon? Pagtapos mong parinigin ng ungol niyo ng ka sex mo, at napatawad ka agad niya!Okay na? Hindi ganon yun angelo! Nagtiwala kami sayo. Thank Princess , kasi nakapag pangako kami sakanya na bawal kaming magalit sayo. Pero di ko talaga maiwasan. Sabi ni Kuya Kiel
Nakakatakot siya para siyang si Christine magalit
One more thing, Pahupain mo lang yung galit ko, magiging okay na ako. Dagdag niya pa.
Pasensya na talaga ate's at Kuya's. Hindi ko sinasadya yon. Mahalaga siya sakin. Ang totoo niyan Mahal ko siya, ayaw niya lang akong payagan ligawan at mahalin siya ng lubusan. Sabi ko
Sorry po kasi ako na naman ang dahilan, bakit siya nanghina kanina. Dagdag ko pa
Aalis ka na ba? Tanong ni Kuya Zed
Aalis po kami ni Christine, sabi niya po magpaalam na daw ako sa inyo, may dadalhin lang daw po siya kila Nate . Sabi ko naman
At saan na naman kayo pupunta? Tanong ni Kuya Zeid
Kila Nate po ata kuya, may ibabalik daw po siya kay Nate . sagot ko naman
Ingatan mo yung Prinsesa namin, wag mo namang hayaan na paulit ulit siyang masaktan. Sabi ni Kuya Kiel
Payagan mo na si Princess, gusto lang non , mag aliw dahil papasok na siya bukas, pag tapos ng 1 linggo niyang pahinga. Sabi ni Ate Cecile
Oo nga naman. Sagot naman ni Ate Zel
Ingatan mo lang, kasi mababaliw na ang tatlong to, kakaisip sa prinsesa nila. Sabi naman ni Ate Fryzella
Opo, opo . Salamat Ate's and Kuya's. Aakyat na po ako sa kwarto niya . Sabi ko naman agad
At tuluyang umalis sa Garden nila
Whoo! Nakahingang maluwag sa wakas .
Paglabas ko ng sala , nakita ko si nate , at pababa na si Christine ng Hagdanan
Sila Kuya at Ate naman, Nakasunod sa akin.
Angelo, pasuyo ako nung box sa kama, paki baba tas pakilagay sa Kotse . sabi ni Christine.
Pasabay din pala Jacket ko andito na ako sa baba eh . Dagdag niya pa
Princess, make sure na hindi kayo lalayo ha. Please mag gamot agad kapag may nararamdaman na. Text me time to time . open mo location mo para alam ko kung asan ka. Okay? Sabi ni Kuya Zed sakanya
Yes Kuya.Love you . sagot niya
Bye. Paalam niya
Biglang nilapitan niya si nate,
oh. Hi Nate . Nakangiti niyang bati
Dadalian ko yung pagkuha nung box at jacket para marinig ko lahat ng usapan nila .
Dali, Dali akong umakyat at bumaba pagtapos ko makuha yung box.
Wala si Christine sa Sala, pagbaba ko . Asan sila? tanong ko
Nilagay ko yung box sa Kotse ko, tsaka pumasok ulit sa bahay nila. Dumeretso akong garden kasi yon lang ang possible place para mag usap sila.
Nakita ko nga sila don sa Long Table
Si Kuya Kiel, Ate Fryzella, Si Kuya Zed at Ate Zel
sa kabilang side naman
si Ate Cecile at Kuya Zied , tapos si vacant si christine, at si Nate
Dumeretso agad ako .
Kuya anong meron? tanong ko kay kuya Zied.
May sasabihin daw siyang mahalaga eh. Sagot naman niya
Ate's, Kuya's ang totoo mahal na mahal ko po si Magdiel, kaso po nagka problema ako. Sabi ni Nate
In-arranged marriage po ako nila kay Xyz. Sa Childhood bestfriend ko na may malaking shipping lines which is di ko naman mahal. Kagaya ni Ate Shey, inarraged marriage lang siya kay kuya Luhence para makatayo ulit ang A & I Company namin. Dagdag niya pa
Wala po akong choice kung hindi pumayag, kasi po pag pinaglaban ko si Christine, baka pahirapan lang po siya, nila. Kaya hinayaan ko nalang po. Sabi pa niya
Andito po ako, para humingi ng Tawad , kasi nasaktan ko siya, biglaan lang po yung engagement namin, di ko nga din po yon alam eh. Andon po ako sa Hospital non nung tinawagan ako ni ate shey. Malungkot na malungkot siya
Parang habang nagsasalita si Nate , unti unting gumuguho mundo niya
Christine, alam ko pinaramdam ko at pinakita ko sayo na seryoso ako sayo, na totoo lahat ng nararamdaman ko tungo sayo . Sorry kung nasaktan kita, Sorry kung nabigla ka sa Kasal ko. sabi niya kay Christine
magka eye to eye sila at konti nalang babagsak na yung luha nila pareho
Okay lang yon, akala ko kasi nag sikreto ka sa akin na may girlfriend ka, akala ko kasi niloko mo ko, oo nanligaw ka. Nagulat ako nung nakita kita sa TV na ikakasal kana samantalang binigyan mo pa ako ng singsing . Tawa ni Christine
Wag ka umiyak please , nadudurog ako lalo. Pakiusap ni Nate
Angelo, sana wag mo siyang pabayaan sa oras na maikasal ako kay Xyz , sana maging masaya kayong dalawa. Mahal ko si Christine at seryoso ako jan . Umiiyak niyang sabi sakin
Kuya , ate sorry sa problemang dala ko, baka lalong magkasakit si Christine ng dahil sa akin. Andito po ako para malinis yung pangalan ko at wag masakatan siya sa araw araw. Dagdag pa niya
Okay, Salamat at inayos at nilinis mo yung gulong nagawa at nangyari. Atleast hindi na mahihirapan yung prinsesa namin
One more thing Christine, kailangan kitang iwasan, dahil nasa school si Xyz , kapag nalaman niyang niligawan kita, baka mabaliw yon at mapahamak ka. Sabi niya
Ayan ang wag na wag mangyayari, don't mess with us , kilala mo kami sa pangalan at sa mukha hindi ang buong angkan namin . Galit si Kuya Kiel
Opo . Pasensya na po . Mauna na po ako, Angelo, Ates and Kuyas.
Iloveyou Christine for the last time. Goodbye . Paalam niya
Tuluyang lumabas na ng bahay. Kitang kita ko ang sinseridad niya sa mga ginawa niya. Ang sakit ng pagpaparaya niya kay Christine para lang sa Kumpanya nila
Atleast, Sa akin nalang si Princess Christine Magdiel Sy.
BINABASA MO ANG
It's Complicated
RomantizmLove Triangle story with the boy bestfriend and the young lover