Elijah's POV
Maaga ako nagising dahil may laba ako ngayon.Nagluto muna ako at kumain.Hindi kona sila inantay na bumaba at Umalis na ako.Ayoko rin kasing makita ni kuya yung sugat sa labi ko.Pinapatigil nadin ako ni kuya sa pag-lalaba pero ayokong tumigil dahil gusto kong matutong tumayo sa sarili kong paa.Gusto kong maging responsable dahil dalaga na ako.Nagsimula na akong maglaba.Minsan nahihirapan kong huminga pero diko iniinda yun.Pagod lang siguro.Natapos ako ng alas dose ng hapon.Pauwi na ako pero nararamdaman kong may nakasunod sa akin.Huminto ako at luminga linga pero wala naman.Nagpatuloy nalang ako ngunit ramdam ko talagang may susunod sa akin.Kay nagmadali na ako.Pagpasok ko sa bahay ay walang tao kaya't nagtungo ako sa kwarto ko.Tiningnan ko yung cellphone ko ang daming message at miss call ni Cloudy.Baka may importanteng sasabihin.tinawagan ko si Cloudy.
"Hello,Ulap asanka?bakit ang dami mong call at message? May nangyari ba?" Sunod sunod na tanong ko.
"Relax jah,Dimo kase sinasagot kaya nagmessage ako ng madami tsaka tumawag narin.Asankaba?" Tanong niya.
"Sa bahay?Ikaw?" Balik ko sa kaniya ng tanong.
"Sa bahay din,Boring nga e tara punta ka dito?Pwede kaba?" Pang-aaya niya.
"Diko sure,Tanong ko kay kuya kung pwede.Text kita kapag pwede?" Masayang wika ko.
"Sigee,Antayin ko sunduin kita diyan" Masayang wika niya.
Pinatay na niya ang tawag kaya't tumawag ako kay kuya.
"Kuya?" Tawag ko dito.
"Bunso?Asanka?" Tanong nito.
"Sa bahay kuya,Pwede bako pumunta kila Cloudy?" Tanong ko dito.
"Oo namn,Basta mag-iingat ka.Sige na bye loveyou" Aniya.
Nakangiti akong nagtext kay Cloudy at pagkatapos ay naligo.Nag suot lang ako ng Jeans at t-shirt.Pinusod ko rin ang buhok at sakto namang narinig ko ang busina nito.Bumaba na ako kaya dali dali niya akong niyakap at humalik sa pisngi ko.Sumakay na kami pareho dahil may driver naman siya.Pumunta kami sa kanila.Malaki yung bahay nila.May yaya din.
"Mom si Elijah po" Pagpapakilala niya sa akin.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"Hi elijah,Ang ganda mo naman" Puri niya sa akin.
"Salamat po Maam" wika ko.
"Tita Saljien nalang" Nakangiting wika nito.
Maya maya ay may dumating na Lalaki.Daddy niya siguro.
"Honey,Si Elijah kaibigan ni Cloudy"Pakilala ng mommy niya sa akin .
"Hi elijah" masyang bati nito.
"Hello po sir" wika ko dito.
"Nakuu,Tito Archie nalang" Wika niya sabay tingin kay Tita Saljien.
Ngumiti nalang ako at umakyat na kami ni Cloudy sa taas para manood ng Movie.
"Jah,Wait lang ah" paalam nito.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin ito.Kaya't itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pinanonood ko.Maya maya biglang bumukas ang pinto.Dumating si Cloudy pero napatayo ako ng makita sina Shawney,Halsey at Prince?Teka bat andito sila?
"Inimbitahan ko sila" Wika ni Cloudy na para bang nabasa ang iniisip ko.
Umupo na sila at nanood habang kumakain ng popcorn.At ako?Syempre Fries.Nagulat ako ng biglang namatay ang ilaw pati na ang pinapanood naman.Brown-out ata.Napayakap ako sa katabi at nakapikit dahil takot ako sa Dilim.
YOU ARE READING
"MB"
Non-FictionSabi nila,Magulang mo sila kaya kahit bali- baliktarin ang buong mundo ay mananatili mo itong magulang.Pano nalang kung ang magulang na minahal at pinagkatiwalaan mo ay isang masamang tao. Masarap magkaroon ng Pamilya,Pero hindi lahat ng taong may b...