CHAPTER 26: FOURTH DAY CAMPING

1 0 0
                                    

Elijah's POV

Nagising ako ng may maramdamang yumuyugyog sa akin.Minulat ko ang mata ko at nakita si Halsey.

"Bakit?" Inis na tanong ko.

"I'm hungry" wika nito sabay nguso.

Tumayo na ako at kumuha ng breakfast.Pagdating ko ay nakita ko naman sila na nakasimangot at si Halsey nakayuko.

"Anong nangyari?" Takang tanong ko.

"Tss,Bwisit tong lalaking to!" Inis na wika ni Cloudy at aktong babatukan ito ng pigilan ni Prince.

"Ano bang ginawa mo?" Tanong ko kay Halsey.

"Akalain moba namang sumigaw ng kakain na" natatawang wika ni Shawney.

Nagulat ako at ganon din sila ng tumakbo papunta sa akin si Halsey at niyakap ako.Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko na para bang bata.Nanigas ako at hindimakagalaw.Nararamdaman ko rin yung mainit niyang hininga.Para bang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko.

"Hoy akin yan hanap ka prinsesa mo" wika ni prince na nagpatigil sa akin at tila nagpaulit-ulit sa akin iyon.

'Hoy akin yan hanap ka prinsesa mo'

'Hoy akin yan hanap ka prinsesa mo'

'Hoy akin yan hanap ka prinsesa mo'

Pilit kong nilakasan ang loob ko.

"Tara na kumain"wika ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng humiwalay siya sa pagkakayakap at nagsimula ng kumain.

"Prinsesa ni Michael yan" wika ni Halsey.

Natawa naman ako.Nakita ko naman si Cloudy na namula.Nang matapos kumain ay nagpahinga na muna kami.Tumabi naman sa akin si Halsey.

"Sorry kanina" bulong nito.

Natawa naman ako at nakita na nakakunot ang noo nila.Sakto namang tinawag na kami para sa gagawing activity.Lumabas na kami at nakinig.

"Goodmorning everyone, Ngayon ay ang pang-apat na araw natin ito.Wala tayong activity dahil kayo ay maglalakbay at Mamasyal.Maaari kayong magdala ng camera or cellphone.Maligo na kayo at magbihis.Para sa mga suot ay kailangang nakapantalon ang lalaki at ang babae ay nakadress.Magdala rin kayo ng extrang damit or jacket para sa emergency." Wika ni Miss Flores.

Bumalik na kami sa tent at naligo.Nang matapos ay nakita ko si Cloudy na nakadress na kulay violet at nakasuot ng sandals na tama lang ang taas.Nakasuot naman ako ng dress na kulay pink at naka tsinelas ng lumabas dahil nasa tent ang sandals ko.Pumasok ako sa tent at nandun silang lahat.Habang hinahanap ang sandals ko ay tumawag si kuya.Nakisuyo naman ako kay Cloudy na sagutan at i loudspeaker.

"Baby nandiyan sa isang bag yung sandals mo" wika ni kuya.

Dahil malakas ay nakikinig silang lahat.kinuha ko ang isang bag at nakita ang sandals na mataas.

"Kuya naman bakit eto yung nilagay mo"wika ko.

"Bagay yan sa Dress mo kaya okay nayan,Bye loveyou" wika nito habang tumatawa at sabay patay ng tawag.

Wala akong nagawa kaya sinuot konalang.Nagbaon ako ng First aid kit at ng pagkain at jacket narin.Kinausap ko naman sila.

"Walang hihiwalay at walang mag-aaway" wika ko.

Tumango naman silang at unang kaming dinala ng naggaguide sa amin ay sa bangka.Sasakay daw kami doon.Sumakay na kami at nagkwentuhan.

"Tara talon" aya ni Halsey.

"Tumigil kanga" wika ko dito.

Nakarating kami sa mga ride.Unang nag-aya ay sa vikings.
Sumakay na kami at naupo.Habang naghihintay ng iba pang sasakay ay may babaeng umupo sa tabi ni Prince.Nakipagkilala at nagkwentuhan sila.Dahil sa inis ay nawala ang takot ko.Unti unti namang umandar ang viking at palakas ito ng palakas.

"Ahhhhhhhhhh" sigaw ni Cloudy.

"Woi ang ingay mo" sigaw aa kaniya ni Halsey.

Inirapan lang siya ni Cloudy.Nalulula na ako.Palakas na ng palakas ang hanggang sa lumakas na talaga.Nakita ko naman yung babaeng kausap ni Prince na nakayakap na sa kaniya at siya naman tuwang tuwa pa.Dahil sa lakas napabitaw ako at napahawak sa katabi ko.Si Shawney pala.Napakapit ako sa kaniya.Bumibilis tibok ng puso ko.Natawa ako ng makita ang mukha ni Halsey na hindi maipinta dahil sa yakap ng yakap sa kaniya si Cloudy.

"Wohhhhhhhhh angggg saaaaayyyyaaaaaaaaa" sigaw ni Shawney.

"Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh" sigaw ng babaeng kasama ni Prince nakita ko naman na tumawa si Prince.

Humina na ng humina kaya't bumitaw ako kay Shawney.Nang makababa na kami ay nakita kopang nagpaalam si Prince sa babae.kumapit naman sa akin si Halsey kaya't ginulo ko ang buhok nito.Sunod kaming sumakay sa Periswheel.Pwede naman daw tatlo kaya nasa gitna ako nila Cloudy at Halsey.May dala namang camera si Cloudy kaya't nagpicture muna kami.

"Picture tayo" wika ni Halsey sa ay puppy eyes.

"Sige" wika ko.

Tiningnan ko muna si Cloudy na busy sa pagpipicture.Pinatong ko ang baba ko sa balikat ni Halsey at isinandal ang ulo sa leeg nito.ngumiti naman ako at nagpicture na.Sunod naman ay inakbayan ko si Halsey at pinisil ang pisngi nito.ngumiti at tumingin sa kaniya.Sabay Flash ng camera.Unti unti naman naming naramdaman ang pag angat kaya itinabi na nila ang kanilang camera at cellphone.Paunti ng paunti ay lumalakas.Nagulat ako ng sumigaw si Cloudy.

"Waaaaaahhhhhh" sigaw nito.

Natawa naman ako at napatakip ako ng mata ng biglang lumakas ang pag-ikot.Nagulat ako ng yakapin ako ni Halsey.

"Malalaglag ka kapag bumitaw ka" bulong nito.

Napayakap naman ako dito ng lumakas.Please paistopin niyoo na.Nang unti-unti ng humina ay kumalas na ako at kumapit nalang.Bumaba na kami at hinanap yung dalawa.Sinalubong naman kami nito at nagulat ako ng may dala silang teddybear.

"Ano yan?Bakla na kayo?" Natatawang wika ni Halsey.

"Para kanino yan?" Wika ni Cloudy.

Nagulat sila ng iabot nilang sabay ang teddybear sa akin.Mas nagulat sila ng kunin ko ito pareho.

"Salamat" masyang bati ko.

Nagpunta naman kami sa mga booth na nakita namin.Nagpunta kami sa kissing booth.Nagpatatak naman si Cloudy sa dalawang pisngi.Ganon din silang lahat.Nagpatatak ako pero sa isang pisngi lang.Sunod naman ay sa photo booth.Nagpapicture kaming walo at kumuha ng Emoji.Nang matapos ay sumakay na kami ng Bangka.Nagulat sila ng hubadin ko ang jacket na suot ko at nakadress nalang ako.Dahil may manggas naman ang dress ko at nakashort naman ako ay hinubad ko ang dress ko.Nakita kong nakanganga sila pati na rin si Cloudy.Nakasando at nakashort nalang ako.Hinubad ko ang sandals ko at tumalon sa tubig.Lumangoy ako at umahon.

"Tarana" wika ko sa kanila.

Naghubad nadin sila at tumalon.Lumangoy naman ako pailalim at dahil malinaw ang tubig ay may nakita akong bote sa ilalim ng tubig.Kinuha ko ito at umangat.Nakita ko namn na nasa bangka na sila.Umakyat na rin ako at pinakita sa kanila ang boteng nakuha ko na nakasara.Nagsuot muna ako ng jacket dahil bakat ang dibdib ko at itinabi muna sa bag ang dress at sandals pati narin ang boteng nakuha ko.Nang makarating ay naligo na kami at nagbihis.Nagsuot naman ako ng pajama t-shirt.Nakita ko naman sila na nakabihis na.Kumuha na ako ng pagkain namin at kumain na.Nang matapos ay nagpahinga sa tent.

"Buksan natin yung bote" wika ni Cloudy.

Kinuha ko ang bote sa bag at pinunasan.May nakita naman kaming parang papel sa loob.Binuksan namin ang bote at kinuha ang papel.Nagulat ako sa nakita ko.Napanganga ako.May nakasulat na malalaking letrang EHP.Yun yung nakasulat sa kwintas ko.

"Hoy?Ayos kalang" tanong ni Cloudy.

"O-oo tara na matulog" wika ko.

Nilagay ko agad ang papel at nag goodnight na sa kanila.Ganon din sila sa akin.Bakit magkapareho ang nakasulat at nakaukit na letra sa papel at sa kwintas ko.Ano ba talaga meaning ng EHP.


Please don't forget to vote,comment and follow,Thankyouu❤

"MB"Where stories live. Discover now