Elijah's POV
Maaga akong nagising kaya't bumaba na ako at naglinis.Nagluto na rin ako at kumain.Nagpahinga sandali at nagsimulang maglaba.Nakita ko naman sila na pababa na kaya binati ko sila.
"Goodmorning" masayang bati ko.
"Walang good sa morning" wika ni papa.
Hindi na ako sumagot at tinapos nalang ang nilalabhan ko.Nang makatapos ay nagpahinga ako sa kwarto ko dahil konti lang naman yung nilabhan ko.Humiga ako at nakatulog.
Nagising ako dahil sa ingay sa baba.Dali-dali akong bumaba kaya nakita ko si papa at mama na nag-aaway.
"Wala ka nang ginawa kundi uminom!" Sigaw ni mama.
"Wala kang pake!" Sigaw naman ni papa.
"Napaka walang kwenta mo" sigaw ni mama.
Bigla namang nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni papa.
'PAAAAAAAAAAK'
Sinampal niya si mama kaya dali dali nakong pumagitna sa kanila.
"Pa,Tama na po" pagmamakaawa ko.
"MAGSAMA KAYONG DALAWA!WALANG KWENTA..!AT WAG MOKONG MATAWAG TAWAG NA PAPA DAHIL AYOKO SAYO.!" sigaw ni papa sabay tulak sa akin kaya bumagsak ako at nagalusan ang sikoAgad akong tumayo at pumunta kay mama.
"Okay lang poba kayo?" Nag-aalalang tanong ko dito.
"Epal epal ka kase! Dun kanga!" Sigaw nito sa akin.
Umalis na si mama kaya umakyat na ako.nakita ko naman yung cellphone ko na umiilaw.Kinuha ko ito at tiningnan.Unknown Number? Sinagot ko nalang.
"Hello,Sino sila?" Tanong ko sa mahinahong boses.
"Malapit mo nang malaman,Easy kalang beautiful" Malanding boses nito.
Magsasalita na sana ako nang pinatay niya ang tawag.Sino ba yon?Pano niya nalaman number ko? Naligo na ako at ginamot ang sugat.Bigla namang tumunog ang cellphone ko.Tiningnan ko ito at nakita kong nagtext si Cloudy na magkita daw sa mall.Tumawag muna ako kay kuya bago sumagot sa text nito.
"Hello,Baby bat ka napatawag?" Tanong nito.
"Kuya pwede ba kaming lumabas ni Cloudy?" Tanong ko.
"Oo naman,Basta wag kang magpapagabe" wika nito.
"Opo kuya,Byee loveyou" Wika ko.
"Sige bye,Take care iloveyoutoo" masayang wika nito.
Pinatay kona ang tawag at nagdala ng pera.Nagtext ako kay Cloudy na on the way na.Simple lang suot ko.Naka highwaist at longsleeve na puti at naka rubber shoes.Nang marating ang ay nakita ko agad si Cloudy na naka highwaist din at nakarubber shoes pero naka off shoulder ito.Kita tuloy ang colarbone.
"Ang ganda naman ng dalagang ito" wika ni Ulap.
Ngumiti nalang ako at pumasok sa mall.pero hindi kami namili.Kumain lang kami at lumabas na.
"Akala ko mag-mall tayo?" Takang tanong ko.
"Basta" sagot nito.
Sumakay na kami sa taxi.
"San ba talaga tayo pupunta?" Takang tanong ko.
"Basta nga" wika nito.
Hindi na ako umimik.Maya-maya ah huminto na ang taxi sa harap ng bar.
"Hindi mo agad sinabe" pagtataray ko.
"Akala ko kasi dika papayag" wika nito.
"Tss,Basta ikaw kahit saan" masayang bati ko.
Pumasok na kami sa loob at umupo.Umorder naman ng maiinom si Cloudy.Maya-maya ay dumating na ang wine na inorder nito.Nagsalin siya sa baso ko at baso niya sabay cheers.Ininom ko naman iyon.Gumuhit sa lalamunan ko ang lasa.Pero ilang tagay na ang naiinom ko nasanay narin.Masyang kaming nagtatawanan nang may biglang lalaking nasa harap namin.
"Miss,Pwede kang maisayaw?'" Tanong niya sa akin.
Tumingin naman ako kay Cloudy at tumango ito.inabot ko naman ang kamay ko at dinala ako sa dance floor.Nagsayaw lang kami ng nagsayaw hanggang sa mapagod.Nag-alam ako na babalik muna.Pagdating ko nakita ko si Cloudy na umiinom.
"Ulap,Cr lang ako ?" Paalam ko dito.
Tumango naman ito.Nagtungo na ako sa cr at naghilamos.Nagpunas ng mukha.Papalabas na ako ng makarinig ng ungol.Sa gilid ng cr.Dahan dahan akong nagtungo doon.Nanlaki ang mata ko sa nakita.Nakita ko si Shawney.Si Shawney may kasama siyang babae na nakapatong sa lap niya na naka panty at bra lang.Shit! Hinahalikan siya ng babae hanggang sa makarating sa ano niya!basta yun nayon!Tumalikod ako at tinakpan ang mata ko.Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin.Nanlamig ako at nanigas sa kinatatayuan minulat ko ang mata ko at nakita ko si Halsey.
"Shhh,Wag mong tignan" wika nito.
"Bakit ka andito?" Tanong ko.
"Uminom lang ikaw?" Takang tanong niya.
"Nagyaya si Cloudy,Sige baka naghihintay na yon" wika ko.
"Sige" wika niya sabay kindat.
Umalis na ako doon at nagpunta kay Cloudy.May kausap naman ito kaya ako naman ang uminom.Pwede naman silang kumuha ng room! Naka ilang inom na ako pero di padin maaalis sa isipan ko yung nakita ko.
"Ayos kalang?Ang dami mo nang naiinom"wika nito.
"O-oo naman" utal na sambit ko.
"Tara na,Mag-gagabe na" aya nito.
Lumabas na kami at nakahinga naman ako ng maluwag.Pumara na kami ng taxi at nagpababa sa mall.
"Mauna na ako Cloudy,Ingatka" wika ko dito.
"Sigee,Ikaw din,Bukas pupunta daw tayo kila shawney ha" paalala nito.
"Oo" nakangiting wika ko.
Humalik na ako sa pisngi nito at sumakay ng taxi.Pagdating sa bahay ay walang tao.Asan kaya sila?Nagluto na ako at kumain.Pagkatapos ay umakyat sa kwarto ko at naligo.Nakita kopang mag text si shawney,Halsey,Cloudy ng Goodnight.Nagtext ako kay kuya na nakauwi na ako para hindi na siya mag-alalala.Hanggang ngayon iniisip kopa rin yung nakita ko.Dapat dina ako nagtataka dahil Playboy si Shawney pero nakakagulat lang na harap harapan.iwinaksi ko nalang sa isip ko yon at nagdasal na at natulog.
YOU ARE READING
"MB"
Non-FictionSabi nila,Magulang mo sila kaya kahit bali- baliktarin ang buong mundo ay mananatili mo itong magulang.Pano nalang kung ang magulang na minahal at pinagkatiwalaan mo ay isang masamang tao. Masarap magkaroon ng Pamilya,Pero hindi lahat ng taong may b...