Elijah's POV
"Eliiiiiiiiiii" Sigaw ni papa.
Napabalikwas ako ng bangon ng sumigaw si Papa.Tiningnan ko yung orasan sa table na katabi ko.It's six in the morning.Bumangon na ako at binuksan ang pinto.
'BLAAAAAAAGGGGGGGG'
Ugh! Sakit.
"BUMABA KANA AT MAGLINIS! MGA WALANG SILBE !MGA WALA KAYONG KWENTA..!!" Sigaw niya sa akin.
"O-opo" nangingilid ang mga luhang sambit ko.
Pumunta na siya sa kwarto nila ni mama at ako naman nagtungo sa loob ng kwarto at tiningnan ang nangyari sa mukha ko.Sinuntok ako ni papa.Putok din ang labi ko.Agad kong nilinis ang sugat ko at nagpalit ng damit dahil puro dugo ito.Bumaba na ako at naglinis wala si kuya dahil nasa work yon.May trabaho siya kapag Weekends.Nagluto na ako at kumain na rin.Nang matapos sa gawaing bahay ay tumunganga ako sa kwarto ko.Kinuha ko yung Fries at kumain.Habang kumakain ay naisipan kong bilangin ang mga ipon ko.Marami rami na din.Kumuha ako ng 500 at itinago na ang alkansiya ko.Bibili ako ng wallpaper at pangdesign sa kwarto ko.Naligo na ako at nagbihis.Bago lumabas ng kwarto ay napansin ko yung binigay ni kuyang credit card sakin.Tatlo yun.Isa para sa pangangailan ko.Isa para sa Pag-aaral ko at ang isa ay para sa mga gusto kong bilhin.Dinala ko yung isang Credit card.Nasa mall na ako ng makita si Cloudy.
"Ulap,Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Boring kase sa bahay kaya namasyal ako para mamili,Ikaw?" Wika nito.
"Ganon den bibili ako ng pang design sa kwarto" Wika ko dito.
Sabay kaming namili at Kumain.Bumili din kami parehas ng cellphone.
"Ulap,Mauna na ako? Salamat" nakangiting wika ko.
"Sige,Next time punta ka sa bahay" wika nito sabay halik sa pisngi ko.
"Sigeee,Ingatka" Paalala ko dito.
Sumakay na ako at umuwi.Habang binubuksan ko yung gate ay parang may kakaiba akong nararamdaman.Para bang may nakatingin sakin.Lumingon lingon ako pero wala namang tao.Alas kwatro ng hapon na ako nakauwi dahil kung ano ano ang ginawa namin sa mall.Nang makapasok ay umakyat na ako sa kwarto ko.Mukhang wala si papa dahil baka nasa inuman naman.Gumala din yung dalawa at nasa work naman si mama at kuya.Naglinis na ako ng kwarto ko at nagsimulang magdikit ng wallpaper.Nang bigla nalang tumunog ang cellphone ko.Tumatawag pala si Cloudy.
"Hello?bat ka napatawag?" Tanong ko dito.
"A-ah e-eh k-kasi" Utal utal niyang sabi na hindi maituloy ang sasabihin.
"Ano nga Ulap?May problema ba?" Tanong ko dito.
"A-ah kase tatanong kolang kung ano nangyari sa labi mo?" Tanong niya na ikinatigil ko.
Kaya ba tinititigan niya ako kanina habang kumakain ng Ice cream?
"Nakoo,Sorry sige bye na" Wika na naman niya.
"Ulap,Bat kanina hindi tinanong?" Takang tanong ko dito.
"Kase baka magalit ka" wika niya.
"Bestfriend tayo e,Di ako magagalit.Matutuwa pa nga ako kase concern ka sakin e.Si papa sinuntok" wika ko habang nangingilid ang mga luha.
"Salamat jah,Nako talaga yang tatay mo" inis na wika niya.
Nasabi kona kase sa kaniya lahat kaya okay lang na magopen ako sa kaniya.
"Sigee na,Mag-iingat ka ha?" Paalala nito.
"Sigee na,Ikaw din" wika ko.
Pinatay kona ang tawag at nagsimulang mag design ng kwarto.Inayos ko din yung kabinet ko dahil bumili ako ng mga damit at short.Pati na rin underwear & panty.Binili rin ako ng dress ni Cloudy at sandals.Nang matapos ay nagsaing na ako at nagluto.Pagkagapos kong kumain ay umakyat na ako.Nagbihis ako ng pantulog at humaral sa bintana.Napatingin ako sa poste ng may marinig ako kaluskos.May lalaking naka cap.Nang mapansin niyang tinitingnan ko siya ay dali dali siyang sumakay sa motor na pula.May suot na jacket na may letrang S sa likod.Sino yon?Baka si Shawney?Pero matangkad e.?Sakto lang naman height ni Shawney.Pinagsawalang bahala ko nalang at humiga.Nagdasal na ko at natulog.
YOU ARE READING
"MB"
NonfiksiSabi nila,Magulang mo sila kaya kahit bali- baliktarin ang buong mundo ay mananatili mo itong magulang.Pano nalang kung ang magulang na minahal at pinagkatiwalaan mo ay isang masamang tao. Masarap magkaroon ng Pamilya,Pero hindi lahat ng taong may b...