Elijah's POV
Nagising ako dahil may naramdaman akong yumuyugyog sa akin.Minulat ko ang mata ko at nakita si kuya.
"Kuya naman e" Inis na wika ko.
"Bumaba kana at kumain,Magbihis kana" wika nito.
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.Kumain na ako at nagbihis.Umakyat na ako sa kwarto para kunin ang gamit ko at nakita ko naman si kuya na inaayos ang higaan ko.
"Kuya tara na"wika ko.
Tumango naman siya at sumunod na dala ang gamit ko.Habang nasa kotse bigla namang tumawag si Cloudy.
"Hello,Asankana?Malapit na mag-umpisa ang announcement" atat na wika nito.
"Eto na" inis na wika ko.
Nakarating na kami sa parking lot at nakita ko naman si Cloudy na naka dress na kulay red at nakasaldals.Sunod ay si Halsey na nakapantalon at naka black tuxedo.Sunod ay si Shawney na naka pantalon at polo shirt.Sunod naman ay si Prince na nakapantalon din at naka longsleeve.Nakita ko naman si Cloudy na nakatitig sa akin at pati na rin yung tatlo na nakatulala lang sa akin.
"EHEMMMM..!"malakas na parinig ni kuya.
Natigilan naman si Cloudy at agad na lumapit sa akin at yumakap.
"Prettiest" papuri nito.
"Like you" wika ko.
Natawa ako ng isa isa niyang batukan yung tatlo.
"Ubos nayan,Kakatitig niyo" wika ni Cloudy.
"Ganda kasi e"wika naman ni Halsey.
" Sexy kaya" wika ni Shawney.
"Parehas" wika naman ni Prince.
Nakipagbatian naman sila kay kuya at nagpaalam na rin ako dito.Kinuha kona ang bag ko.Nagtungo kami sa Court at pinapila by section para sa mga magkakasama.Nagsimula ng mag-announce.Masaya ako dahil kasama ko sina Cloudy,Shawney,Prince at Halsey.Limang grupo ang nabuo kaya't sumakay na kami sa bus.Sa likod kaming lima naupo.Sa tapat ng bintana ay si Halsey,Cloudy,Ako,Prince at Shawney.Umandar na ang sasakyan madami ng tulog pero hindi ako makatulog dahil katabi ko si Prince.Bigla namang tumunog ang cellphone ko.Nag text si kuya.
'Check your Bag'
Tiningnan ko naman yung bag na dala ko kaya.Nagulat ako ng ang daming pagkain.May nakita akong earphone kaya naman sinuot ko ito at nagpatugtog.Habang nagpapatugtog ay kumakain ako ng fries ng mabusog ay tiningnan ko si Cloudy.Natawa ako ng makitang tulog na tulog yung dalawa.Si Halsey naka patong ang ulo sa bintana at si Cloudy naman nakapatong ang ulo sa balikat ni Halsey.Natawa ako kaya naman naisipan kong picturan sila.Nang mapicturan ay nakita ko naman si Shawney at Prince na tulog din.ako eto?Ayoko ngang matulog mamaya magaya ako kay Cloudy no baka matulugan kopa ang balikat ni Prince.Kinalkal kopa ang bag ko at nakita ko ang daming prutas non at mineral water.Si kuya talaga napaka maalalahin.Nagpasalamt ako kay kuya at naglaro nalang ng cellphone ko.Nagising naman sila ng Huminto ang bus.Pinapakain muna kami.Bumili naman sila ng Cup noddles at ako kanin at ulam ang binili.Nang matapos kumain ay umakyat na kami at naupo ulit.ako naman nagpatugtog lang at naglaro sa cellphone.Ilang oras ang nakalipas ng Makarating kami.Pinaupo naman kami sa damuhan.
"Maraming Salamat sa pagpunta,Para sa lahat wag kayong mag-aaway at wag na wag kayong papasok sa tent ng iba.Isang tent lang ang gagamitin at sama-sama na kayong magkakagrupo doon.Pwede din kayong gumawa ng bonfire kung gusto niyo at ngayon pipili kami ng magiging leader ng inyong grupo para sa gagawing activities.Tatayo lahat ng magiging leader.Para sa unang grupo ay si Ehron sneeze,Pangalawang grupo ay si Devina Sildon,Pangatlo ay si Solomon Digiha,Pang-apat ay si Flannery Santos at ang huli ay si Elijah San Andres" mahabang wika nito.
Nag-alangan pako tumayo pero pinilit nila ako.
"Kayo ang mamamahala sa grupong napunta sa inyo,Nais kong makita ang inyong pakikisama at pakikiisa.Bukas ay gagawin natin ang ating activities.May limang tent na nakatayo diyan may numerong nakasulat doon ng 1-5 at hahanapin niyo ang numerong kung pang ilang grupo kayo."Mahabang wika nito.
Nagpunta na kami sa tent na may nakalagay na numerong 5.Walo kaming lahat.Kasyang kasya dahil malaki ang tent.Tumayo ako at nagsalita.
"Naalala niyo walang lalabas at kumain na kayo dahil kinakailangan niyong magpahinga para sa mga activities na gagawin bukas" paalala ko.
Tumango naman ang lahat at kumain na.At ako?Kumakain din.Bukas nalang kami mag bobonfire.Kumpleto naman ang lahat.May unan pero yung isang kasama namin ay walang kumot.
"Ito sayo nalang" wika ko sabay abot ng kumot.
"Naku wag napo,Okay napo ako" tanggi nito.
"Sigena,May isa pa naman ako" wika ko dito.
Tinanggap niya naman ito at isinara na ang Tent.Pero hindi ako kumportable kahit katabi ko si Cloudy dahil baka may kung anong insekto ang gumapang sa akin.At dahil may dalang malaking sapin si Cloudy ay naging mas maayos ang lahat.Nag Goodnight na ako sa kanilang lahat at ganon din sila kaya natulog na kami.Naramdaman ko namang yumakap sa akin si Cloudy kaya hinayaan ko nalang.
Please don't forget to vote,comment and follow,Thankyouu❤
YOU ARE READING
"MB"
Non-FictionSabi nila,Magulang mo sila kaya kahit bali- baliktarin ang buong mundo ay mananatili mo itong magulang.Pano nalang kung ang magulang na minahal at pinagkatiwalaan mo ay isang masamang tao. Masarap magkaroon ng Pamilya,Pero hindi lahat ng taong may b...