Ann.
And Im sorry to my unknown lover
sorry that I cant believe
that anybody ever starts to fall in love with meSomeone will love you
someone will love you
someone will love you
but someone isn't meTug tug ng radio sa kotse ni Zans.
Malapit na kami sa aming destinasyon buong biyahe ay nagtatawanan kami at nag aasaran.
Nalaman ko na di pala siya ganun kagaling sa pag eentertain ng tao, kasi nga mahiyain siya, sabi pa niya na approachable siya pero, pag hindi importa te hindi niya ito i- eenternain, sinabi niya rin na nagkagusto sakaniya si Casandra, na umamin ito sakaniya, yun nga lang di daw siya ang natitipuhan niya.
Tumigil kami sandali ni Zans kasi gusto kong picturan yung magandang view dito, siyempre nag selfie kami.
"Kung ako mag kakaroon ng pamiliya, dito ang gusto kong pagtayuan ng bahay ko"Sabinko, kasi ang ganda talaga ng view nakakaalis ng stress, tapos kasama ko ang pamilya ko, wala na akong mahihiling pa pag nangyari iyon.
So yun nga andito na kami sa isang resort dito sa Tagaytay, at masasabi kong maganda talaga kasi yung location ng pool kita yung mga bundok grabe sulit dito, tapos yung pool super lawak talaga, mapapagod kang languyin ito..
Kumain muna kami bago maligo, siyempre dikit ng dikit si Zans parang linta.
Nagsi hubaran narin ang mga babae nakasuot lamang sila ng swimsuit, ang mga lalaki naman ay naka top less pero may iba pa sakanilang ayaw pa daw maligo, tulad ko.
Maaga pa kasi, tsaka parang malamig talaga yung tubig ng pool kasi yung reaction ng mga mukha nf mga babae ehh parang nilalamig na pati yung ibang mga lalaki, may mga naglalandian din kaya medyo panira sila sa view.
Kumain muna ako ng dala kong donuts at apple juice, nag dala din ang iba ng mga alak, may favorite ko din soju.
So ayun sumapit ang alas diez nang di namin namamalayan, kaya yun napag desisyunan ko nang maligo, akmang huhubarin ko na sana ang damit ko at mag swi swimsuit nalamang ako,...
"Oops.."Sabi ni Zans habang hinahawakan ang kamay ko.
"Bakit?" Tanong ko, parang ewan to.
"A-ano, maraming l-lalaki, w-wag kang mag suot ng ganiyan"Sabi niya, pinipigilan ko lang ang tawa ko.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya.
" Oo na di na ako mag swimsuit, ang cute mo ehh"Sabi ko sabay kurot sa pisngi nito, nakita ko naman siyang namula.
"Nakakarami ka na saakin ahh" Sabi niya, Hahah kanina pa kasi sa kotse ko siya inaasar, kanina ko pa rin pinipisin ang ilong at pisngi niya.
"Bakit ayaw mo?" Tanong ko, sabay ngisi.
"H-Hindi naman sa ayaw ko"Sabi niya.
"Ligo ka na."Sabi ko.
"Sabay tayo" Sabi niya
Pinalo ko nga.
"Manyak ka!" sabi ko pasigaw.
"Luh"Sabi niya,
"Sakin ka ibinilin ng parents mo, siyempre cargo kita, kaya dapat hindi ka umalis sa tabi ko" Sabi niya, kasi naman si Dad ehh
"Oo na!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Torpe's love (Cyra girls series no. 1)
Teen FictionAnn a fierce girl, and Zans a Torpe and shyable guy, and they fall for each other