CHAPTER 1

2.6K 41 8
                                    

"LARISSA!!"

Agad na napabangon ang dalaga sa kama kaya't nauntog nito ang taong nakaharap sa kanya at nang-gising sa kanya.

"ARAY!!" sabay na wika ng dalawang dalaga.

Napahawak ang dalaga sa parte ng ulo nitong nasaktan.

"Nu ka ba naman, Larissa Cruz. malelate na tayo. Bumangon ka na kaya." ani Carla na hinihimas ang noong nauntog.

"Ba't kayo nandito?" nagtatakang tanong ni Larissa.

"Nakalimutan mo na ba? Kailangan natin ipasa ngayon ang article tungkol sa soccer match?" pagpapaalala naman ni Heather.

"ANO!?" agad na tumayo si Larissa at nagkukumahog na pumasok ng cr.

Sabay na napailing ang dalawang dalagang sina Carla at Heather sa pagiging late ni Larissa.

WALANG-PALYA ang pagtakbo ng tatlong dalagita papuntang paaralan.

"Malelate na tayo!" sambit ni Heather.

"Bilisan mo na lang ang pagtakbo! Walang mangyayari kung sisigaw ka lang." ani Carla na patuloy ang pagtakbo kahit hinihingal.

"Nakakainis! Sana dumating kayo ng mas maaga!" ani Larissa.

"Nanisi ka pa, ikaw nga tong mantika kung matulog."

"Kung maaga kang nagising, edi sana hindi tayo tumatakbo ngayon!" Heather hissed.

HINIHINGAL nilang narating ang silid-aralan.

"Sa susunod bumili ka na ng alarm clock, alam mo yung kasing lakas ng busina ng bapor?" pagbibiro ni Carla na ipinaypay pa ang notebook dahil sa sobrang init at pawis.

"Sino nga ba uli yung iinterviewhin natin?" instead ay tanong ni Larissa sa dalawang kaibigan.

"Si Brian Angeles ng Class A, at captain ng Soccer team." kinikilig na sagot ni Heather.

TUMALSIK paitaas ang bolang sinipa ng captain ng soccer team.

CLICK!

CLICK!

CLICK!

Sunod-sunod ang pagkuha ng mga imahe ni Larissa sa binatang kakasipa lang ng soccer ball.

"Ang cool!" sigaw ni Heather.

"Sinabi mo pa!" segunda naman ni Carla.

Sinipa ng isang player ang bola papunta kay Brian na agad naman nitong sinipa rin para mapunta sa net.

Pigil ang hininga ng tatlong dalaga habang pinapanood ang pagtalsik ng bola.

"GOAL!!! WOOHOO!!" humahangang sigaw ni Heather.

"Ang galing!" kinikilig na turan ni Carla.

"GO BRIAN!!" Larissa cheered her crush.

NAGMAMADALING tinakbo nina Larissa, Heather, at Carla ang daan papuntang soccer field.

Nangunguna si Larissa, hanggang sa mapahinto sya dahil sa mabilis na pagtalsik ng isang bola na papunta sa kinatatayuan nya.

By reflex ay napapikit sya dahil sa kaalamang tatama ito sa kanya.

Nang idilat nya ang mga mata ay may binatang tumalon sa harap nya, at ito ang sumalo ng bola.

The guy hugged the ball tight by both arms so it wont get free, as he fall through the ground.

Nanatiling natitigilan si Larissa dahil sa bilis ng mga pangyayari lalo na nang makita nya ang gwapong mukha ng binata. WHO IS HE?

Sa likuran naman ni Larissa ay tumigil sina Carla at Heather, dahil na huli ang mga ito kanina.

The Soccer PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon