CHAPTER 5

681 14 1
                                    

NAGLALAKAD si Larissa patungo sa silid ng newspaper club, pagliko nya ay may nakabungguan sya kaya natumba ito.

"Aw!"

"Sorry. Are you ok?"

Tiningnan ng binata ang paa ni Larissa kung napilayan o nasugatan.

At sa tagpong yon lumabas sina Carla at Heather, mula sa silid ng newspaper club. Madaling nakaisip ng ideya si Larissa kaya't ng hindi nakatingin si Brian dahil sa pagtingin sa mga paa nya ay nginitian nya ang dalawang kaibigan.

"Ang sakit! Aray! I think i twist my ankle." mangiyak-ngiyak na ani Larissa.

Tumalikod ang binata habang nakaluhod ang isang paa at inialok ang likod.

"Sumakay ka sa likod ko and I'll take you to the clinic."

Umangkas ang dalaga sa likuran ni Brian.

Nang tumayo at nag-umpisang maglakad si Brian ay nginitian at nag-peace sign pa si Larissa kina Carla at Heather.

"Dapat ako ang nasa likod ni Brian, eh!" naiingit na turan ni Heather.

Nang makarating sa clinic ay inilapag sya ni Brian sa kama roon.

"I'll call the nurse."

Tumango ang dalaga saka umalis si Brian.

Kinikilig na nagsisigaw naman si Larissa.

"Waaa!! Malapit na! Konti na lang. HAHAHA! Darating ang araw na kami ni Brian ay malayang nagmamahalan." ani Larissa na tila nangangarap.

Natawa naman ng pagak ang isang tao sa likod ng puting kurtina na nagsisilbing divider.

Nagulat si Larissa nang marinig ang pamilyar na tinig. At sa isiping narinig nito ang mga sinabi nya ay agad syang namula at nakaramdam ng matinding pagkapahiya.

Hinawi ni Gray ang kurtina at patuloy na tumawa sa harap ni Larissa.

"I-IKAW??" namumulang ani Larissa sa sobrang kahihiyan.

"Nakakatawa ka talaga."

"A-ano bang ginagawa mo rito?"

"Bakit? Masama bang matulog dito? Istorbo ka nga, eh." anito na nagpipigil ng tawa.

Hindi na nito nakayanan at muling napatawa ng malakas.

"Pagmamahalan?" anito saka muling tumawa.

Sa sobrang inis ay binato ng unan ni Larissa si Gray, na agad naman nitong iniwasan.

Bumukas ang pinto ng clinic at pumasok ang nurse sa loob.

"Pinapasabi sakin ng isang binata na hindi na sya makakabalik dahil magsisimula na ang klase." paninimula nito.

"So... Sino sa inyo ang napilayan?"

Nagkatinginan naman sina Gray at Larissa.

Kinakabahan ang dalaga dahil baka malaman nito na wala talaga syang pilay, lalo na nang tumingin at ngumiti sa kanya ng makahulugan si Gray na parang sinasabing 'Patay ka!'.

"W-wala na po. Umalis na po sya." ani Larissa at agad na hinatak ang binata palabas ng clinic.

"Oh, bakit ako kasama?" tumatawang anito kay Larissa.

Nahawa na rin si Larissa at napatawa.

"The two will be a perfect couple, dont you think?" bulong ng isang estudyante sa kaibigan nito,

But the other's seemed to have a different reaction.

‎"WOOHOO!!" natutuwang sigaw ni Gray habang patuloy sa pag-ski.

The Soccer PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon