Pagkaraan ng 30 minuto ay narating nila ang lugar.
Nakangiting bumaba si Larissa ng taxi.
Kahit na sumasakit ang ulo ay natitiis pa naman niya.
Magkahawak-kamay sila Larissa at Gray habang naglalakad.
Hindi nya maiwasang mapangiti dahil sa binata, nakakalimutan niya na ang sakit ng ulo dahil dito.
Panay pa ang paglibre sa kanya nito ng kung ano-anong pagkain dahilan ng panay rin nilang paghinto.
"Tataba 'ko sa ginagawa mo, eh."
"Hindi yan. Ice cream gusto mo?"
"Wag na. Busog na talaga ko."
"Sige na nga. Nuod nalang tayong sine."
Hanggang sa panunood ng sine ay magkahawak kamay sila.
Maya-maya ay bumitaw ito at inakbayan naman siya.
Nakabili sila ng popcorn bago pumasok roon kaya't may nakakain silang dalawa.
Kumuha si Gray ng popcorn at aktong susubuan siya.
"Ako na. Kaya ko namang kumuha ng walang tumutulong." - Larissa
"Dali na."
Napipilitan man ay binuka niya ang bibig ngunit imbis na subuan sya ay diniretsyo nito iyon sa sariling bibig.
Hinampas nya ito sa braso.
"Nang-aasar ka naman eh!"
Tumawa si Gray.
"Sorry. Oh eto, totoo na." Sinubuan siya nito.
Ang isang beses na iyon ay nadagdagan pa dahil hindi nya na halos nagamit ang kamay sa pagkain ng popcorn. Ang binata na ang gumagawa noon para sa kanya.
"Rissa, may aaminin ako."
"Ano yun?"
"Naalala mo yung kwintas na binigay sayo ni Brian?"
Tumango siya.
"Sakin galing yun."
"Talaga? Eto ba?" aniya at bahagyang inangat ang suot na kwintas.
"Yeah." nakangiting anito.
"Wag mong sabihing kaya mo suot-suot yan dahil sa kanya?"
"Hindi no. Kaya ko 'to suot kasi ito lang naman ang nag-iisa kong kwintas simula nang mawala yung bigay ni mama." tiningnan nya ang kwintas.
"Salamat Gray." Hinalikan nya ito sa pisngi.
Nang makita nya ang ekspresyon ng mukha nito ay natawa sya. Hindi nya pinapansin ang sakit ng ulo dahil sa binata.
"Anong nangyari sayo?" natatawang aniya.
"Di mo na kasi ako hinahalikan." Kunwang nalulungkot nitong turan.
Namula sya nang maalalang hinalikan nya noon si Gray.
"Pakiss naman jan." Linapit nito ang mukha.
"O-oy! May mga tao dito-" Naputol ang sasabihin nya nang magsalita ito.
"Ah.... alam ko na. Gusto mo sa walang tao?" Nakangisi ito ng nakakaloko.
"Konti lang naman ang tao dito eh, sa kabilang banda dun marami." Ani Gray at mabilis na linapit ang mukha rito at mariing hinalikan sa labi si Larissa.
Nagpupumiglas si Larissa ngunit hindi nya ito makaya. Napakapit sya rito ng husto nang maging malalim ang mga halik nito.
Habol ang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
BINABASA MO ANG
The Soccer Player
Teen FictionSi Larissa Cruz ay isang estudyanteng kabilang sa Newspaper club, nag-iba ang takbo ng buhay niya ng makilala niya ang Captain ng soccer team sa paaralan nila. Desidido na sana siya kaso biglang nagulo ang lahat ng dahil sa hindi inaasahang pagsingi...