CHAPTER 10

573 11 1
                                    

MAGKAPANABAY na naglalakad sina Gray at Larissa. Hawak ng binata ang kamay ng dalaga. Kanina ay binabawi ni Larissa ito pero hindi nito binibitawan ang kamay niya. Sa huli ay sumuko rin sya sa pamimilit na makuha ang kamay mula rito.

Wala sana sila ngayon sa hallway at naglalakad pabalik ng classroom kungdi lang dahil sa katigasan ng ulo nito. Ayaw nitong magpapigil sa pag-alis ng clinic.

"Gray."

"Hmm?"

"May naka-date ka na ba dati?"

"Interesado ka ata?" pilyong nginitian sya nito.

"Sagutin mo na lang."

"Yes. Definitely."

"Pano mo sya niyaya?"

"Inalok ko lang syang kumain sa restaurant dahil may Eat-all-you-can buffet pumayag na kagad sya."

"Eat-all-you-can?"

"Sabi mo pa nga 'Tara, gutom na rin ako eh.' "

Namula si Larissa nang maalala ang pangyayaring yon.

"W-wala kong maalalang nangyari yon."

"Matanda lang ang nagiging sobrang malilimutin." He smirked.

"Eh hindi naman matatawag na date yon, eh."

"Kala ko ba hindi mo naaalala?"

Nag-iwas sya ng tingin sa binata.

Napaismid sya nang marinig na tumawa ito.

"May sinabi nga pala sakin si Chris."

Agad na binalingan nyang muli ang binata.

"Mahal mo daw ako." He was grinning.

Napamaang sya sa sinabi nito. Pakiramdam nya ay namula ang buong mukha nya.

Nainis sya kay Chris. Ang buong akala nya ay hindi nito masasabi iyon kay Gray.

Kung bakit kasi narinig pa ito ni Chris nang aminin nya kina Carla at Heather.

"Sa lahat ata ng ginawa ng g*gong yon eh, iyon lang ang ikinatuwa ko."

Nadagdagan ang inis na nararamdaman nya ng marinig mula sa binatang ikinatuwa pa nito ang pagsabi ni Chris ng bagay na 'yon.

"Teka, galit ka ba don?" pag-iiba nya ng usapan.

"Simula nang makita ko syang yaka-"

"Larissa! Late ka na sa klase!" Natigilan si Heather nang makitang magkahawak ng kamay ang dalawa.

The Soccer PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon