NANG matapos ang soccer match ay sinuot muli ni Larissa ang headset. Dahil dun ay hindi nya napansin si Gray na naunang maglakad, kasunod si Cyrene.
Naglakad si Larissa sa hallway pabalik ng classroom kasabay ang dalawang kaibigan.Tahimik lang sya habang nag-uusap ang mga ito.
Napahinto sya nang magsalita si Heather.
"Tingnan nyo, oh."
Tumingin sina Larissa at Carla sa direksyong tinitingnan nito, kung saan ay nakita nya sina Gray at Cyrene na magkatabi.
Inangat ni Cyrene ang kutsara para subuan ito ng nilutong pagkain.
Nairita si Larissa sa eksenang iyon kaya mabilis syang naglakad palayo, papunta sa classroom.
Hindi nya nasaksihan ang pag-iwas ni Gray sa pamimilit ni Cyrene na subuan ang binata, dahil nadala na ito.
Natikman na nito ang unang niluto ng dalaga, sapat na iyon para wag nang umulit pa.
Hindi rin gusto ng binata ang pangungulit nito at ang pagpunta nito sa classroom nila, gayung pwede naman itong makuntento sa sarili nitong silid-aralan.
Hindi na nagtagal sina Carla at Heather nang masaksihan iyon. Bumalik narin ang mga ito sa sariling classroom.
NAUUNA si Larissa sa paglalakad, sinadya nyang iwan si Carla na nakasunod sa di kalayuan. Nauna nang umalis si Heather kaya silang dalawa na lang ang magsasabay pauwi.
"Larissa!" patakbo itong lumapit sa dalaga.
Napatigil sya sa paglalakad at napatingin rito.
Humihingal na nagsalita ang binata,"Pabigay kay Gray." inabot nya ito sa dalaga."Nasama kasi sa gamit ko, nakalimutan kong ibigay sa kanya. Nagmamadali kasi ako kanina."
Nginitian ni Larissa si Brian, "Ok." wala na syang balak pang tanungin kung ano ang dahilan ng pagmamadali nito.
"Thanks." nakangiting wika ni Brian saka nagmamadaling umalis.
Hindi nya maiwasang magtaka dahil wala ng epekto ang presensya ni Brian sa kanya, pati narin ang ngiti nitong dati ay nagpapakilig sakanya.
Wala sa sariling napatitig si Larissa sa cellphone ni Gray.
Liningon nya si Carla saka pasigaw na nagsalita,"Carla! Mauna ka na! May gagawin pa pala ko!"
Nagtatakang napasunod ng tingin si Carla sa kaibigan.Nakakapagtaka naman talaga ang biglaang pag-iiba ng mood nito. Kanina lang ay parang wala na itong balak na ngumiti.
PATAKBONG tiningnan ni Larissa ang mga silid na nadadaanan.
Napangiti sya ng makita sa di kalayuan ang bukas na silid, Sa loob no'n ay makikita si Gray na nakasandal sa dingding.
Ilang hakbang na lang ay mararating nya na ang silid nang bigla syang mapahinto.
Agad na nabura ang ngiti nya nang sa isang iglap ay makita nyang niyakap ni Cyrene si Gray.
Agad na inangat nito ang mukha at marahang inilapit iyon sa binata para mahalikan.
Muntik ng mabitawan ni Larissa ang cellphone dahil sa nasaksihan. Parang hindi nya na mapipigilan ang sarili na maiyak.Kung hindi nya pa nakitang tinulak ni Gray si Cyrene ay tatalikod na sana sya para umalis.
"Will you stop it?! I already have someone I like!" narinig nyang sabi ng binata.
KINIKILIG sina Carla at Heather nang mapag-usapan si Larissa.
Tinawagan ni Carla si Heather kani-kanina lamang para alamin kung nasaan ito. Kasalukuyang nasa mall raw ito, sinabi rin ng dalagang may kasama ito kaya wag mag-alala.
BINABASA MO ANG
The Soccer Player
Teen FictionSi Larissa Cruz ay isang estudyanteng kabilang sa Newspaper club, nag-iba ang takbo ng buhay niya ng makilala niya ang Captain ng soccer team sa paaralan nila. Desidido na sana siya kaso biglang nagulo ang lahat ng dahil sa hindi inaasahang pagsingi...