HABANG kumakain sina Heather, at Carla sa cafeteria ay kinuwento ni Larissa sa mga ito ang mga sinabi ni Chris.
"Pumayag ka?" tanong ni Heather.
"Oo, baka sabihin nya, eh."
"Tsk, tsk. Wala ka na ngang magagawa." wika ni Heather.
"Saka ayaw mo nun may kadate kang gwapo?" panunukso rito ni Carla.
"Sinong may kadate?" tanong ni Gray mula sa likuran ni Larissa bago nito tinabihan ang dalaga at pinatong ang tray sa lamesa.
"Si Larissa, kadate si Chris." sagot rito ni Carla.
"Wow, may tao palang nakakayanang makipagdate sayo?" pangaasar ng binata sa dalaga.
Dahil sa halo-halong emosyon ay hindi mapigilan ni Larissa ang mainis.
"Pwede ba?! Wala ko sa mood na makipagbiruan!" bulyaw nito sa binata.
Nang mapagtanto ang nagawa ay agad na napatayo si Larissa at wala sa sariling naglakad palayo. Hindi nya sinasadyang masigawan ang binata.
Napasunod na lang ang tingin nina Heather at Carla sa dalaga. Naiintindihan nila ang nararamdaman ni Larissa. Hindi magandang makipagdate sa isang taong hindi mo gusto, idagdag pa na labag ito sa kalooban.
Nang balingan ni Carla si Gray ay nagtaka sya sa reaksyon nito. It seems like he was stunned.
SINIPA ng isang player ang bola.Wala si Gray sa sarili kaya lumampas lang ito sakanya.Ang pangalawang ulit na sipa ng sumunod na player ay sinubukan nyang harangan ngunit naipasa parin nito ang bola.
Nang sya naman ang maglaro ay naipapasa nya sa kalaban ang bola. Kadalasa'y hindi ito tumatama sa net, lagi itong lumalagpas.
"Pre, may problema ka ba? Hindi kasi makakatulong sa practice natin yan, eh." tanong ni Brian.
"I don't had any." pagsisinungaling nito.
Binabagabag sya ng sinabi ni Carla,"Si Larissa, kadate si Chris." paulit-ulit iyon na parang sirang plaka.
Idagdag pa ang pagsigaw sa kanya ni Larissa. Hindi maalis sa isip nyang galit ito.
"GRAY!!!" nang may sumigaw na player ay saka lang nagbalik ang isip nya sa kasalukuyan.
Inangat ni Gray ang ulo, kasabay niyon ay ang pagtama ng bola sa tiyan nya kaya napaupo sya na hawak ang tiyan sa sobrang sakit.
Pinuntahan sya ni Brian.
"Pre? Ba't ka nagkakaganyan? Di ka naman ganyan dati, ah?" anito kay Gray at inabot ang kamay para tulungan makatayo ito."Pahinga ka na lang kaya muna?"
"Hindi, kaya ko pa."
"Sigurado ka?"
Tumango ang binata. At muling naglaro, pinipilit nyang kalimutan ang mga gumugulo sa isip nya.
NASA hallway si Larissa habang iniisip ang sinabi sa kanya ni Chris nang pumayag syang makipagdate rito.
He smirked, "Meet me at the school entrance and I'll tell you when and where."
SA di kalayuan ay nakita ni Larissa si Chris, naghihintay ito sa may school entrance.
Nang lapitan nya ito ay nakangiting sinabi nito kung anong oras sila magkikita at kung saang lugar.
"You know what will happen if you don't show up."
Napaatras si Larissa nang magtangka itong lapitan sya.
Hinawakan ng binata ang braso nya. Ang kabilang kamay naman nito ay inangat ang mukha nya.Inilapit nito ang mukha sa kanya.
Hindi mawari ni Larissa kung anong dapat na gawin, hindi nya kayang pigilan ang gagawin nito dahil baka sabihin nito ang sikreto nya.
BINABASA MO ANG
The Soccer Player
Teen FictionSi Larissa Cruz ay isang estudyanteng kabilang sa Newspaper club, nag-iba ang takbo ng buhay niya ng makilala niya ang Captain ng soccer team sa paaralan nila. Desidido na sana siya kaso biglang nagulo ang lahat ng dahil sa hindi inaasahang pagsingi...