"Larissa, may partner ka na para sa dance party?" tanong ni Heather, habang nag-gugupit.
"Wala pa, hinihintay ko pang yayain ako ni Brian." nang-aasar nyang turan.
Parang gustong matawa ni Carla sa sagot ng kaibigan.
"Asa ka naman, ako ang yayain nya, noh." aniya.
"You? Ako kamo." humalukipkip si Heather.
"Ako kaya!" -Larissa
"Ako!" -Heather
"Ako sabi!" -Carla
Na-awat lang ang tatlo nang may pumigil sa mga itong mga kamag-aral.
MAYA-MAYA ay sinimulan na ang school festival.
Naisipan ng grupo nina Larissa na kakaibang Maid-Cafe na lang ang i-present, included ang boys, being the waiters. Obviously, the girls wore maid outfits.
Bawat grupo ay may kanya-kanyang ideyang i-prepresent.
Kung sa ibang schools by section, sa kanila ay by group, nagkakasama-sama ang iba-ibang sections.
PEOPLE started gathering inside their "Cafe".
Inabot ni Larissa ang menu sa ilang mga binata sa isang table.
Matapos masabi ang order ng mga ito ay kinuha nya ang menu at umalis para sabihin kina Heather at Carla na syang umaasikaso sa mga inoorder at lulutuin.
Dahil sa may kaiksian ang outfit ng mga maid-waitress at isa naroon si Larissa ay di naiwasang magsalita ng isang binata.
"Sexy, noh?"
"Yeah."
"She'll be mine later." a sly smile formed in his lips.
Nagulat na lamang ang mga ito nang biglang may humampas ng mesang ino-okupa nila. Nayanig ang tatlong babasaging baso dahil roon.
"Sir, gusto nyo ng juice?" magalang na wika ni Gray sa mga ito, na may hawak na tray. Sa ibabaw niyon ay ang pitcher.
Dahil sa gulat ay wala sa sariling napatango ang mga ito.
Pagkaraan ng ilang oras ay natapos rin ang school festival.
NAGMUMOKMOK si Larissa sa isang tabi at wala sa sariling napapatingin sa mga magkakapareha na handa nang sumayaw.
Nagsisisi sya dahil wala syang tinanggap na alok sa mga lalaking lumapit sakanya kanina.
Naalala nya ang sinabi ni Carla.
'Ayan tuloy, kung bakit kasi napaka-picky mo.' bagkus na pagaanin ang loob nya, lalo pa syang inasar nito kanina. Sa dami daw kasi nang nangulit sakanya wala syang tinanggap.
Hindi nya maiwasang mapatingin sa suot na dress, nanghihinayang sya kung mapupunta lang ito sa wala.
Hindi naman sya ganun kadesperado para umasang iimbitahin syang maging partner ni Brian,
lalo na't naging partner nito si Heather kani-kanina lang na sobrang ikinagulat nya at ni Carla.
Ayaw namang sabihin ng kaibigan kung bakit, saan, kailan at paanong nangyari yon.
'Kung isa man lang sa mga umalok sakin ang tinanggap ko eh, di sana...' problemadong napabuntong-hininga ito.
Wala sya sa sarili nang biglang may humawak sa kamay nya.
Marahan sya nitong iginiya papunta sa dance floor, kung saan nagsisimula nang sumayaw ang magkakapareha.
"Teka, di mo pa nga ko iniimbitang-"
BINABASA MO ANG
The Soccer Player
Teen FictionSi Larissa Cruz ay isang estudyanteng kabilang sa Newspaper club, nag-iba ang takbo ng buhay niya ng makilala niya ang Captain ng soccer team sa paaralan nila. Desidido na sana siya kaso biglang nagulo ang lahat ng dahil sa hindi inaasahang pagsingi...