PARA sa dalaga kakaiba ang umagang ito dahil ngayon ay hindi sya malelate. Napaaga ang gising nito dahil sa ina nyang naging maagap.
Ganado itong naglakad patungong paaralan at mas lalo pa itong naging ganado nang mamataan si Brian.
"Brian!"
Napasulyap si Brian sa dalaga.
"Good morning."
"M-magandang umaga rin."
Ngumiti ang binata bilang pagtugon.
"See you." saka ito pumasok ng gate ng eskwelahan.
"Ano yun? Hmm?" sita ni Carla nang makita sya.
Nang-aakusa ang mga tingin nina Carla at Heather.
"Binati ko lang ng good morning, react ka naman kagad."
"Naniniguro lang kami." ani Heather.
"Tara, pasok na tayo." saka nito hinila si Larissa at Carla para pumasok sa gate.
NANG pumasok ang guro sa classroom ay may binulong si Carla kay Larissa.
"Nagawa mo ba yung assignment?"
Nanlalaki ang mga mata ni Larissa habang umiiling bilang pagtugon sa tanong ni Carla.
Kahit anong kaba pa ang maramdaman ni Larissa ay wala na ring magagawa dahil alam nya na ang kahihinatnan nya.
"Lagot ka mamaya kay Mrs. Servales." panakot pa nito sa dalaga.
NAPATAYO sa labas ng classroom si Larissa dahil sa hindi paggawa ng assignment.
Nang may dumaang binata ay agad itong huminto sa harap nya.
Nagtatakang napatingin sya rito dahil ang buong akala nya ay galit ito.
"Ba't ka nandyan?" natatawang wika ni Gray.
Hindi nya ito pinansin.
"Huhulaan ko, hindi ka gumawa ng assignment, noh?" he chuckled.
Sa sobrang inis ni Larissa ay sinipa nya ang tuhod ng tumatawang binata.
Napalitan ang tawa nito ng "ARAY!"
"Bakit ba?" tanong ni Gray na hinihimas ang tuhod na sinipa nito.
"At nakuha mo pang magtanong?!" inirapan ito ng dalaga.
KINUKUHANAN ni Larissa ng mga litrato ang mga soccer players ng biglang dumugin ng mga babae ang kinaroroonan nya dahil nag-break pansamantala sina Brian, Gray at ang iba pang mga players sa paglalaro.
BINABASA MO ANG
The Soccer Player
Teen FictionSi Larissa Cruz ay isang estudyanteng kabilang sa Newspaper club, nag-iba ang takbo ng buhay niya ng makilala niya ang Captain ng soccer team sa paaralan nila. Desidido na sana siya kaso biglang nagulo ang lahat ng dahil sa hindi inaasahang pagsingi...