CHAPTER 2

922 20 0
                                    

HABANG pabalik sa classroom ay nag-uusap sina Heather, Larissa at Carla.

"Salamat, Heather, Carla. Tinawag nyo pa pala yung nurse para sakin." 'akala ko hahayaan nyo na lang talaga ko sa ugok na yun, eh.' aniya sa sarili.

"Para saan pa ang pagkakaibigan natin no?" ngiting ani Carla.

"Oo nga. Magkakaibigan tayo, kaya dapat nagdadamayan." wika ni Heather.

"Balik ka na ng classroom para makapagpahinga ka narin." ani Carla.

"Bakit?"

"May pupuntahan pa kasi ako eh."

"Ako rin." ani Heather.

"Saan?" nagtatakang tanong ni Larissa sa mga ito.

"Sa soccer field." sabay na sagot ng dalawa.

"Ah, kaya pala magkakaibigan tayo, Uunahin nyo pa si Brian kesa SAKEN!!"

"Ano ka ba naman? Magkaiba ang friendship at love." ani Heather.

'NAKAKAINIS!!'

Pero kahit ganyan ang mga kaibigan nya ay nagpapasalamat parin syang, sya ang inatasan ng mga itong taga-kuha ng mga imahe.

And why is that? Because she got to stole pictures of Brian.

NASA bleachers si Larissa at mag-isang kinukuhanan ng mga litrato ang mga soccer players lalo na ang kaisa-isang binatang hinahangaan nya, si Brian.

Iniwan nya sina Carla at Heather sa classroom dahil lagi na lang syang nilalamangan ng mga ito kay Brian.

Nang mapagod si Larissa ay ibinaba nya ang camera, saktong tumama naman ang bola ng soccer sa mukha nya, dahilan ng pagtumba ng dalaga.

"Arghh!! Bakit ba ako ang target ng mga bola?" napahawak ito sa mukha.

"Larissa!" narinig nyang tawag sa kanya ng isang binata. Nilingon ito ng dalaga na magkasalubong ang mga kilay.

"Sorry! Ok ka lang ba?" ani Gray at nilapitan sya.

"Ba't mo ginawa yon?!"

"Para namang sinasadya ko, Kaya nga nag-sosorry diba?"

"EWAN!!" aniya at tumayo.

"Sorry na kasi, San ba masakit?" pagpipilit ni Gray.

Hindi makapaniwalang tinignan ito ni Larissa,

'Nag-aalala ba talaga to?'

The Soccer PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon