"SAN kayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Larissa sa dalawang kaibigan.
"Sa grocery." nakangiting wika ni Heather.
"Bakit?"
"Kahit kelan talaga wala kang alam sa mundo. Hindi ka updated." naiiling na turan ni Carla.
"Valentines day bukas, nakalimutan mo na?" maikling sabi ni Heather saka tumawid kasabay si Carla.
Napasunod si Larissa sa mga ito.
"Eh ano naman kung Valentines day? Anong connect nun sa pagpunta nyo sa grocery?"
"Syempre..." - Carla
"...bibili ng chocolate!!" nakangising pagtutuloy ni Heather sa sinasabi ni Carla.
"Tama!" ani Carla at sumakay ng jeep kasunod si Heather.
"Ah." sumakay narin si Larissa. "Pero hindi nyo ba susubukang gumawa ng sarili nyong chocolate?" aniya pagkaupo sa tabi ng mga ito.
"Oo nga no!" - Heather
"Nakita ko sa T.V. Kung pano gawin yun. Tutunawin pa iyon tapos marami ka pang pwedeng idagdag, kahit ano, like peanuts, raisins." nakangiting wika ni Carla.
"Teka, ngayong kasama ka namin, ibig bang sabihin gagawa karin?" takang tanong ni Carla.
"Marunong ka nang magluto?" hindi makapaniwalang turan ni Heather.
"Bibili lang ako, hindi magluluto." aniya na napaiwas ng tingin.
HABANG patuloy sa paghahanap ng mga kakailanganin sa loob ng grocery sina Heather at Carla ay hindi naman malaman ni Larissa kung anong pipiliin sa dami ng mga tsokolateng nakahilera sa harapan nya.
Nagulat nalang sya nang bigla syang kalabitin ni Carla. Kasama nito si Heather.
Napatingin sya sa mga dala nila. Mukang tapos na ang mga ito sa pagkuha ng mga kailangan at babayaran na lang ang mga iyon.
Samantalang sya ay kanina pa nakatayo doon at hindi matukoy kung anong dapat piliin.
"Nakapili ka na?" - Heather
"Mukang hindi. Sino bang pagbibigyan mo? Si Gray?" tanong ni Carla.
"Ba't ko naman bibigyan yon?" kaila nya.
"Eh ikaw?" baling ni Heather kay Carla.
"Wag mong sabihing si Brian?" - Heather
"Hindi ah. Syempre yung boyfriend ko." - Carla
"Ikaw Heather? Si Brian no?" ani Larissa.
BINABASA MO ANG
The Soccer Player
Teen FictionSi Larissa Cruz ay isang estudyanteng kabilang sa Newspaper club, nag-iba ang takbo ng buhay niya ng makilala niya ang Captain ng soccer team sa paaralan nila. Desidido na sana siya kaso biglang nagulo ang lahat ng dahil sa hindi inaasahang pagsingi...