CHAPTER 11

575 10 0
                                    

"NAKAKATAKOT yung bunganga ni Ma'am." Ani Larissa kay Heather.

"Sinabi mo pa." Sangayon nito.

"Nalate pa kasi tayo, eh." dagdag ni Heather.

"Nakuha mo pa kasing kumain dun sa Cafeteria. Biruin mo nag-iisa ka na lang dun?"

"Eh anong magagawa ko? Nagugutom ang tao eh."

"Teka nga, napansin mo ba si Carla?"

"Ayun oh, lapitan nga natin."

Nang lapitan nila ang kaibigan ay nakatulala ito sa kawalan at ngiting-ngiti. Tila sinaniban para kay Larissa dahil hindi natural na gawain iyon ni Carla.

"HOY!" Sigaw rito ni Heather.

"Ay! Kalabaw!"

Umupo si Larissa sa upuan sa harap ng mga kaibigan, si Heather ay sa tabi ni Carla.

"May hindi ka ba sinasabi samin?" - Heather

"Lahat naman ata alam nyo, ah." kaila ni Carla.

"Kanina lang namin nalaman yung isa sa mga hindi mo sinasabi." - Larissa

"Ang alen?" - Carla

"Yung pagiging PDA nyo ni CJ." nakangiting wika ni Larissa.

"Whaaat? PDA??"

"Kayo na ni Chris noh?" nakangising sabi ni Heather.

"O-oo." namumulang pag-amin ni Carla.

"Kelan pa? Nililihim mo pa samin ah." - Heather.

"Nung ..isang linggo."

"Pero kanina lang tinitilian mo pa rin si Brian? Di ka pa contented?" natatawang wika Larissa.

"Isumbong kaya kita sa bf mo?" Heather smiled like an evil.

"Wag! Promise hindi na. Sayong-sayo na si Brian!" ani Carla kay Heather na ikinangisi naman nito.

"Maiba nga tayo." wika ni Larissa sa mga ito.

"Ba't hindi nyo na nga pala ko binalikan sa bleachers?"

"Uhm..." Walang maisip na dahilan si Carla kaya't siniko nya si Heather.

"Ahhm, Kase I-inutusan kami ni Sir kaya hindi na kami nakabalik." Pagrarason rito ni Heather.

Napatingin si Carla sa pintuan ng classroom saka niya kinalabit si Heather, napatingin narin ito. Napangiti si Heather sa nakitang binatang dumaan.

"Larissa, lumabas ka ng classroom." nginitian ni Heather ang kaibigan.

"Bakit?"

"Basta."

Marahil sa pagtataka ay napilitang lumabas ang dalaga.

Napadako ang paningin nya kay Gray na nakasandal sa ding-ding ng corridor. Ang parehong kamay nito ay nasa bulsa.

"Rissa." Umayos ito ng tayo.

Linapitan ito ng dalaga na nakakunot ang noo.

"Sabay na tayong umuwi." he smiled.

Lingid sa kaalaman nina Gray at Larissa ay may nagmamadaling lalaking taga ibang section ang tumatakbo papunta sa direksyon nila, nagmumula ito sa direksyong tinatalikuran ng binata --kahit na nakaharap n'on ang dalaga ay hindi nya ito pansin. Dahil nakatuon ang atensyon nya kay Gray.--

Parang mahuhuli ito sa kung anong okasyon.

Agad na nawalan ng balanse si Gray nang mabundol sya ng lalaki dahil sa bilis nitong tumakbo. Bunga noon ay ang hindi sinasadyang pagkatapak nya sa paa ng dalaga.

The Soccer PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon