CHAPTER 6

639 10 0
                                    

HABANG nasa daan pauwi si Larissa kasama ang dalawang kaibigan at binata ay tahimik lang ang dalaga sa loob ng kotse.

Iniisip nya parin ang sinabi ng binatang nakilala sa ski resort.

"I think you would find that out, sooner."

'PAANO AT KAILAN?'

PALINGA-LINGA si Larissa habang dahan-dahang humahakbang. Sinikap nitong gumising ng maaga para walang gaanong estudyante pag pasok nya ng eskwelahan.

Nang masigurado nyang walang tao sa locker room ng mga lalake, ay pumasok sya at mabilis na pinasok ang ticket sa loob ng locker ni Brian.

Nang makarinig sya ng tawanan ay agad syang nagtago sa isang tabi saka bahagyang sumilip.

"Pre, Wala ka yatang balak na tumigil sa kakatawa." nakangising wika ni Brian bago binuksan ang locker at bumagsak ang mga love letters, kasama ang ticket na nilagay ni Larissa.

"Move on, pre." nakangiting sambit ng isang binata.

"Nakakatawa naman kasi si Jason, biruin mo patamaan ba naman sa mukha si..." hindi matuloy ni Gray ang sasabihin sa sobrang kakatawa.

"Si Mac?" natatawang dugtong ni Brian rito habang pinupulot ang mga nalaglag.

"Kawawa yung ilong, eh." natatawang sambit ng isa pang binata.

Hindi makapaniwalang napatitig si Larissa sa dami ng mga sulat na nalaglag.

'Sana makita nya yung ticket.'

"Ticket?" nagtatakang tiningnan ito ni Brian.

"Para san?" tanong rito ni Gray.

Nagkibit-balikat si Brian,

"Ticket sa isang Pro soccer match."

Sapat nang malamang nakuha ni Brian ang ticket para maingat na umalis sa locker room si Larissa.

MAAGA pa lang ay nasa bleachers na si Larissa, sa kagustuhang mauna kay Brian at nang masorpresa na rin ito.

"Asan na kaya yun?" aniyang nagpalinga-linga.

"GRAY?!!"

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ng binata.

"B-ba't ikaw ang dumating?"

"Ah! Ikaw pala yung nag-iwan ng ticket sa locker ni Brian."

"A-ano?! Hindi kaya!"

"Sorry ka, hindi si Brian ang dumating." ngiting anito.

"Sya naman ang nagbigay sakin ng ticket eh, kaya wala kang magagawa."

Pinukol nya ang binata ng masamang tingin.

"Sayang naman kung di ko pa 'to panunuorin." anito bago umupo.

Wala nang nagawa si Larissa kundi ang tabihan ito.

Mapayapang nanuod ang dalawa.

Ngunit nang mag-tagal ay naaliw na nang husto si Larissa, nagsisigaw na ito dahil sa kagustuhang ma-cheer ang mga players.

Marahil sa seryoso ang mga taong malapit sa dalaga ay naiingayan ang mga ito.

Imbis na mairita sa kaingayan ng dalaga si Gray ay napapangiti at napapailing na lang ito.

"San ka pupunta?" pinigilan ng binata ang dalaga sa braso nang makita itong tumayo.

"Sa CR, ba't sasama ka?"

Binitawan sya ni Gray,

"I'm not interested." anito saka muling binalik ang atensyon sa panunuod.

The Soccer PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon