Lahat naman tayo malamang naranasaan na ang maging bata. Ang mabuhay na naglalaro nang malaya kasama ang mga ibang batang kaedad natin. Maglaro ng tagu-taguan at tumbang preso at marami pang iba.
Pero sa kabila ng mga unang nabanggit ko, isa sa mga hindi puwede natin makaligtaan bilang isang bata ay ang magpabasa sa mga magulang natin ng mga fairy tale books bago matulog. Kagaya ng Grimm's Fairytales, Jack and the Beanstalk, Hansel and Gretel, at kung anu-ano pa.
Pero noong bata pa ako meron isang kuwentong ibinahagi sakin at sa aking limang matalik na kaibigan ang aking Lola Tasya na siyang magbibigay ng katatakutan sa amin lahat. Na magiging sanhi ng kusang pagpapatiwakal ng bawat isa sa amin magkakaibigan sa kasalukuyang panahon.
Pero parang may mali. Meron hindi tama sa bawat angulong nakikita ko sa tuwing may nag papakamatay sa aking mga kaibigan. Malakas ang aking kutob na may dapat akong tuklasin sa kanilang mga pagpapakamatay na magbibigay susi sa mga nag lalarong katanungan sa aking isipan.
Kung ano man ang bagay na kailangan kong kalkalin at alamin sa mga pagpapakamatay nila, dapat akong magsimula sa isang kuwentong una kong napakinggan sa aking Lola Tasya.
Ako nga pala si Alys Palma at ito ang aking kuwento.
Once upon a time...
Book cover designed by Avid Fantasy.
BINABASA MO ANG
Goldilocks (Completed)
Mystery / ThrillerNagsimula ang lahat noong mga bata pa lamang sila Alys at ang lima niyang mga kaibigan na nag summer vacation sa bahay ng Lola Tasya niya sa Gerona, Tarlac. Una ang lahat ay masaya lalo na't kapag nagkukwento ng bedtime stories si Lola Tasya. Ngunit...