Chapter 7

8.3K 206 9
                                    

"Anak ko nasaan ka?" Bulalas ni Tita Roxanne na ina ni Cornelia. Nataranta naman si Alys dahil sa malakas na pag sigaw ng ina ni Cornelia mula sa salas ng bahay ng alas-sais nitong umaga.

"Tita Roxanne what happened? Bakit po kayo sumisigaw?" Naguguluhan na tanong ni Alys. Hindi tumugon si Tita Roxanne bagkus ay itinuro ng hintuturo na daliri niya ang kabaong ni Cornelia kay Alys. Marahan na lumapit si Alys mula sa kabaong ni Cornelia. At namilog ang mga mata ni Alys sa nadiskubre. Nawawala ang katawan ni Cornelia sa loob ng kabaong.

"Diyos ko bakit nawawala ang katawan ng anak ko sa loob ng kabaong niya?" Sambit ng ina ni Cornelia.

"Huwag ka mag alala Tita Roxanne. Tatawag ako ng pulis na maaaring mag imbestiga ng pagkawala nitong bangkay ni Cornelia sa kabaong." Saad ni Alys sa Tita Roxanne niya.

Tumawag agad sa cellphone si Alys sa police hotline na alam niya. Inireport niya agad ang nangyaring pagkakawala ng bangkay ni Cornelia.

***

"Forgiveness sake Alys is that really true!" Bulalas ni Hayley mula sa kabilang linya ng cellphone habang nasa loob nitong library na pinagtatrabahuan niya.

"Oo Hayley the body of Cornelia is missing! At hindi na namin alam ni Tita Roxanne kung ano pa ang gagawin para lang mahanap ang bangkay ni Cornelia." Nag aalalang tugon ni Alys mula sa kabilang linya ng tawag.

"Ah, Alys do you already said this to Lindsey and Taranee?"

"Not yet. But I'm going to tell them once we are done talking to each other."

"Sige bye na. Pupuntahan kita ngayon diyan sa apartment." At pagkatapos no'n ay ibinaba na ni Hayley ang tawag. Pagkababa ni Hayley sa tawag ay bigla siyang napabuntong hininga ng malalim. Napaisip ng malalim kung paano nawala nang bigla-bigla ang bangkay ni Cornelia sa mismong kabaong nito.

***

"Ano ba 'yan! Alas-syete imedya na ng umaga hindi pa din lumalabas nitong kuwarto si Taranee. Usapan namin siya ang magluluto ng breakfast ngayon eh!" Iritadong turan ni Lindsey sa kanyang sarili.

Usapan kasi kagabi bago matulog nila Lindsey na si Taranee ang magluluto ng agahan. Nakaugalian na din kasi ng dalawang magkaibigan na kung sino man ang nakatoka na magluto ay dapat maagang nagigising din sa umaga. Para makapag luto at makapag ayos na ng agahan. Kaso pumalya ng gising ngayon si Taranee. Kabalintunaan naman dati na maagang pag gising ni Taranee kapag siya ang nakatoka na magluluto ng agahan. Kaya nagtataka na din si Lindsey kung bakit tulog pa din si Taranee sa kuwarto nito.

Naisip ni Lindsey na puntahan sa loob ng kuwarto si Taranee. Pagdating niya ng kuwarto ay kumatok siya. Ngunit hindi sumasagot sa loob si Taranee. Kumatok pa siya ulit. Pero wala talagang sumasagot sa loob.

Naisip ni Lindsey pumasok na bigla sa loob ng kuwarto. Ngunit ng kanyang bubuksan na ang pintuan ay nakalocked ito. Buti na lang nasa bulsa ng short niya na suot ang kanyang key chain na may mga nakalagay na iba't ibang susi ng bahay. Pati ang duplika na susi ng kuwarto ni Taranee.

Nang maisuksok na ni Lindsey ang susi sa pintuan ay bumukas na din ito. Nakapasok na din si Lindsey.

Pagkapasok ni Lindsey sa kuwarto ni Taranee nakita niya ito na nakadapa habang natutulog. Habang nakalaylay ang kaliwang kamay sa gilid ng kama. Ngunit may napansin si Lindsey na parang hindi tama sa kamay ni Taranee na nakalaylay sa kama.

Pinagmasdan mabuti ni Lindsey ang kamay ni Taranee. At namilog ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. May tumutulong dugo sa kamay ni Taranee. Lumapit siya agad sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito. Nakita niya na naglaslas pala ng pulso si Taranee.

Inihiga naman paharap ni Lindsey si Taranee sa kama. Kinapa niya ang pulso sa kanang kamay ni Taranee. Pinakiramdaman niya ito kung may pintig. Bigla naman bumuhos ang luha ni Lindsey sa kanyang mga mata.

Matapos kasi kapain ni Lindsey kung may pintig pa ang pulso ni Taranee ay nadiskubre niya na wala na pala. Ibig sabihin patay na si Taranee.

Napaatras bigla si Lindsey sa kama ng kaibigan nang nadiskubre niya patay na ito. Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid. May napansin siyang isang pulang cutter sa sahig. Maaaring ito ang ginamit ni Taranee na pang laslas sa kanyang pulso.

May nakita din si Lindsey na isang maliit na papel sa lamesitas na malapit sa kama ni Taranee. Kinuha ni Lindsey ito at may nakasulat.

"I'm so sorry Lindsey.
But I can't take any longer the guilt inside of me.
From what happened fourteen years ago to Sydney."

Isang suicide note mula kay Taranee.

Bigla naman nag ring ang cellphone ni Taranee na nakapatong sa lamesitas. Kinuha ni Lindsey ito. May tumatawag ngunit hindi nakarehistro sa phonebook ang cellnumber.

Sinagot ni Lindsey ang tawag.

"Hello?" Sagot ni Lindsey ngunit wala naman nagsasalita.

"Hello... s-sino 'to?" Ngunit wala pa din nagsasalita. Ibababa na ni Lindsey ang tawag nang biglang may narinig siyang nagsalita sa kabilang linya.

May narinig si Lindsey na isang boses ng batang babae na nag story telling tungkol sa fairy tale ng Goldilocks and the three Bears.

Nabitawan bigla ni Lindsey ang cellphone sa sahig. Kinilabutan siya at binalot din ng takot.

Mayamaya pa ay nag ring naman ang cellphone niya. Nakita niya na si Alys ay tumatawag sa kanya. Sinagot niya ito agad.

"Hello Lindsey may dapat kang malaman!" Bulalas sa kabilang linya ni Alys.

"A-ano 'yon Alys?" Humihikbing tanong ni Lindsey kay Alys. Hindi naman naituloy ni Alys ang kanyang sasabihin kay Lindsey na nawawala ang bangkay ni Cornelia sa kabaong nito. Bagkus ay tinanong niya si Lindsey kung bakit tila ba ay umiiyak ito sa kabilang linya.

"Lindsey may problema ba? Ba't parang umiiyak ka?"

"A-alys si Taranee nagpakamatay!" Pagkatapos sabihin 'yon ni Lindsey kay Alys ay hindi na niya napigilan ang sarili na maghagulgol sa pag-iyak. Dahil patay na ang kaibigan niya na si Taranee.

Goldilocks (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon