Chapter 11

8.1K 194 23
                                    

Lindsey's POV:

Its been more than one month nang sunod-sunod na namatay ang mga kaibigan namin na sila Cornelia, Taranee, at Hayley. Medyo nakaka-move na ako sa mga nangyari. Oo minsan may mga oras pa din na naalala ko ang aking mga kaibigan. Pero ika nga ng iba life must go on.

Umalis na din ako sa BPO company na pinapasukan namin pareho dati ni Taranee. I already moved also to a new house here in Quezon City from Makati.

Ang tagal na din pero wala pa din bagong balita tungkol sa salvage case ni Hayley. Sabi ng SOCO sadyang napakagaling ng pumatay kay Hayley. Napakalinis ng pagkakadispatsa niya sa kaibigan namin. Sabi din nila na bago daw itapon ang bangkay ni Hayley sa ilalim ng tulay sa Araneta ay sa ibang lokasyon pinaslang ito.

Simula din noong nailibing na ang labi ni Hayley mag iisang buwan na din tulala at hindi makausap ang masugit na manliligaw niya na si Zeke. Sa pagkawala ni Hayley ay ang siyang pagkawala din naman ng katinuan ni Zeke. Halatang labis niya na minahal si Hayley. But I guess that's life. We can't really tell kung hanggang kailan tayo magiging masaya sa piling ng taong mahal natin. At kung hanggang kailan natin sila makakasama.

Kasalukuyan akong nag aayos ng mga kasangkapan ko sa aking bagong bahay. Hindi pa kasi ganoon kaayos ang lahat simula noong lumipat ako dito.

Napatingin ako sa aking wrist watch at napag-alamanan kong mag alas-syete na pala ng gabi. Bukas na din nga pala ang house blessing ko. At dahil house blessing may konti akong ininbitang mga taong malalapit sa akin. May darating din bukas na catering na siyang mag po-provide ng mga ipapakain ko sa mga bisita.

Pupunta kaya bukas si Alys. Nag aalala ako baka hanggang ngayon nagtatampo pa din siya sa akin. Two weeks ago kasi binigyan niya ako ng invitation para sa isang event na inasikaso nila dati ni Cornelia. Yung sa reunion event ng Ms. Sadelle kaso hindi ako nakapunta dahil nag birthday ang cousin ko sa Davao.

Bukas ko na lang ng umaga aasikasuhin ang ibang inaayos kong gamit dito sa bahay. Inaantok na din ako.

Pagdating ko sa kuwarto ay sinigurado kong nakasarado ang aircon. Napakalamig kasi ng panahon ngayon. May bagyo kasi ngayon. Ang lakas ng hangin sa labas nitong bahay.

Pahiga na ako ng aking kama nang biglang namatay ang ilaw. Anong nangyari? Naku, mukhang brownout pa. Binuksan ko ang screen ng cellphone ko at ginawang pang ilaw sa madilim kong kuwarto. Napansin ko naman na biglang bumukas ang bintana dahil sa lakas ng hangin sa labas. Paglapit ko sa bintana ay nagulat ako sa aking nakita sa labas. Ang lahat ng bahay ng aking mga kapit-bahay ay may mga ilaw. Ibig sabihin may supply ng kuryente sa kanila. Ang pinagtatakahan ko bakit ang aking bahay lang ang wala.

Lumabas ako ng aking kuwarto. Nang nasa labas na ako ng aking kuwarto ay may naulinigan akong yabag ng mga paa sa salas. Marahan akong bumaba ng hagdanan. Pinatay ko ang ilaw ng screen sa aking cellphone. Habang pababa ako ng hagdanan ay mas lumalakas ang mga yabag ng paa. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib nang biglang may naramdaman akong dalawang kamay na humila ng aking dalawang paa sa hagdanan. Ang bilis ng paghatak nito sa akin. Gusto kong kumawala pero hindi ko magawa. Ang lakas ng puwersa ng mga kamay niya.

Mayamaya pa ay naramdaman kong binitawan na niya ang aking mga paa. Narinig ko ang yabag ng mga paa niya na umaatras palayo sa akin. Nagulat na lamang ako nang biglang nagkailaw na muli at nasa kusina na pala ako ng bahay.

Tumindig ako agad at inilibot ang aking paningin sa buong kusina. Wala akong nakikitang ibang tao hanggang sa naramdaman ko na lang na may sumaksak sa aking likuran. Napabalikwas ako at napalingon sa aking likuran.

Nangilabot ako nang napasulyap ang mga mata ko sa aking likuran. May isang babaeng mahabang buhok na may suot na maskarang pula sa kanyang mukha. May hawak siyang isang kitchen knife na may tumutulo ng dugo na nag mula sa aking likuran.

Papalapit ang babae sa akin. May pagbabadya na gusto pa niya akong undayan muli nang panibagong saksak.

Tumakbo ako palayo sa babae sa maaabot ng aking makakaya. Nasa hagdanan na ako papanig sa aking kuwarto. Naramdaman ko naman biglang inundayan niya ng saksak ang aking kaliwang binti. Bigla akong napasubsob sa hagdanan. Ang hapdi ng saksak niya sa aking kaliwang binti. Hindi ko na nagawa pang tumakbo. Gumapang na lang ako sa hagdanan.

Sinunggaban naman niya ako ngayon sa aking likuran habang patuloy lamang ako sa pag gapang sa hagdanan.

"Aaaah!" Sigaw ko nang aking naramdaman inundayan na naman niya muli ako ng panibagong saksak sa likuran. Ramdam ko ang pagdaloy palabas ng aking dugo sa labas ng katawan.

Hindi ko alam kung bakit biglang lumitaw ang babaeng ito sa loob ng aking bahay. Nagugulumihan ako pero wala na din akong oras upang pag isipan ang mga bagay-bagay na tumatakbo at naglalaro sa aking isipan.

Iniharap naman niya ako ngayon sa kanya. Sa pagkakaharap niya sa akin naramdaman kong mas umimtim ang hapdi ng saksak sa akin likuran nang bahagya kong naisandal sa hagdanan ang aking likuran.

Kailangan kong mabuhay kung kaya ay nanlaban ako sa kanya. Kinalmot ko ang mga braso niya gamit ang aking mahahabang mga kuko. Tinangka ko naman tanggalin ang kanyang maskara na suot ngunit nasalag niya ang aking kaliwang kamay.

Tumayo na siya ngayon sa aking harapan at kinaladkad ako pataas ng hagdanan. Habang kinakaladkad niya ako ay kinakalmot ko pa din siya sa kanyang mga braso. Mukhang nagagalit na siya sa pankakalmot na ginagawa ko sa kanya kung kaya ay itinulak niya ako sa pader. Naramdaman ko naman na mas tumindi ang hapdi ng mga saksak sa aking likuran.

Papalapit na siya ngayon sa akin ngunit bago pa siya makalapit ay inunahan ko na siya. Sinugod ko siya at sinunggaban malapit sa hagdanan. Pareho naman kami nahulog sa hagdanan at nagpagulong gulong.

Sa pagkakahulog namin sa hadganan ay isang nakagigimbal na bagay ang aking nadiskubre. May nakita akong peluka sa sahig. Hindi naman pala talaga mahaba ang buhok niya dahil nakapeluka lamang siya. Ang isa pang bagay na mas nakapag pagimbal sa akin ay nang nahulog kami sa hagdanan ay natanggal ang kanyang suot na maskara. Kilala ko siya. At napag alamanan kong hindi pala siya babae. Isa siyang lalaki.

Pinipilit ko ng makatayo ngayon sa sahig ngunit hindi ko na magawa. Nanghihina na ang buong katawan ko. Papalapit na siya. Hindi pa din ako makapaniwala na kaya niya gawin ito sa akin. Malakas ang kutob ko siya din ang nag salvage kay Hayley. Napakawalang hiya niya. Isa siyang psychopath!

"Katapusan mo na Lindsey!" Saad niya sa akin na may nakakalokong ngiti.

"Leche ka! Napakawalang hiya mo! Isa kang psychopath! You stupid moron!"

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Lindsey dahil isusunod na kita kay Hayley pati na din kanila Cornelia at Taranee hahahaha!'" Bigla akong napatanga nang narinig kong sinabi niya iyon sa akin. Tama ba ang narinig ko talaga? Ibig sabihin siya nga ang pumatay kay Hayley. Pero naguguluhan ako. Ano naman ngayon ang sinasabi niya na isusunod pati kanila Cornelia at Taranee?

"A-anong ibig mong s-sabihin na isusunod mo ako kanila Cornelia at Taranee? Ibig sabihin..."

"Oo Lindsey ibig sabihin ako lang din naman ang pumatay kanila Cornelia at Taranee! Hindi talaga sila nagpakamatay! Ang lahat ay isa lamang palabas nakasunod na sa sarili kong death plan para sa inyong lahat! At pagkatapos kong mapatay kita, si Alys naman ang huli kong ididispatsa hahaha!" Saad niya sa akin na may kasama pang nakakakilabot na halakhak.

"Naguguluhan ako. Bakit mo ginagawa ito?"

"Tumahimik ka na nga lang Lindsey! Tama na ang maraming tanong dahil papatayin na kita!" At pagkatapos ay sinugod na niya ako at inundayan nang napakaraming saksak. Hindi ko na nagawa pang manlaban o makatakas pa sa kanya.

Masahol pa siya sa halimaw. Nakikita kong nanlilisik ang mga mata niya. Tila ba ay isang demonyo ang nasa harapan ko ngayon.

Hindi naglaon ay nararamdaman ko nang bumibilis ang tibok ng aking puso. Naghahabol na ako ng hininga. Nandidilim na ang aking paningin.

Nararamdaman ko ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa sumasara na ito ng kusa at tuluyan na akong bumitiw sa aking pag hinga.

Goldilocks (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon